Advertisers
LUBHANG inaasahan ang panalo ng tambalang Leni-Kiko sa halalang pampanguluhan sa Lunes. Isang malawakang dayaan lang ang maaaring tumalo sa Leni-Kiko tandem. Ngunit huwag silang nakasisiguro. Nakahanda ang sambayanan sa isang malaking kilos protesta kapag nandaya ang grupo ni BBM. Hindi pagod ang sambayanan sa kilos protesta. Walang “EDSA fatigue” ang sambayanan. Humanda sila sa EDSA 4.
Binabaligtad ng grupo ni BBM ang kasalukuyang sitwasyon at inilabas na ang tambalang Leni-Kiko ang mandaraya. Alam kasi nila na hindi sila mananalo sa isang patas na labanan. Walang pera si BBM na panustos sa malaking gastos upang manalo. Umaasa siya sa natirang salapi na kanilang nakuha mula sa ilang tagasuporta at natirang nakaw na yaman. Hindi siya suportado ng China na hindi nagbigay sa kanyang kampanya.
Walang malaking grupo ang nag-endorso sa kanyang kandidatura. Maliban sa Iglesia ni Cristo (INC), ang kulto ng mga napag-iwanan sa Lipunang Filipino, walang matinong paaralan, grupong propesyonal, at organisasyon sa civil society ang nagtataguyod sa BBM-Sara. Umaasa si BBM sa suporta ng ilang local official. Mas iniisip naman ng mga local official ang sariling kapalaran sa halalan. Hindi nila prayoridad na manalo si BBM. Sarili muna.
Malaki ang inihina ng INC nang mabulgar ang pamunuan nito sa malaking iskandalo at isyu ng salapi at ari-arian mahigit walong taon ang nakakalipas. Mahahati ang kasapian ng INC dahil hindi pumapayag ang maraming kasapi sa idiniktang suporta kay BBM at ilang kandidato sa Senado na bantog sa kawalanghiyaan at pagnanakaw. Tinawag na “KakampINC” ang bagong grupo na sumusuporta sa Leni-Kiko.
Maliban sa hindi kilalang St. Clare’s College na pag-aari ng grupo ng mga Ilokano at University of Perpetual Help na nabalitang nabili umano ng mga Villar, walang matinong pamantasan at paaralan ang nagdedeklara ng suporta kay BBM-Sara. Mistula silang isinumpa. Napakatumal ng suporta sa kanila. Alam nila na sa basurahan ng kasaysayan pupulutin si BBM at Sara. Nilalayasan rin sila ng mga estudyante at lumilipat sa ibang pamantasan.
***
HINDI pandaraya kundi boto ng mga malayang mamamayan ang tatalo kay BBM. Mananalo si Leni ng mahigit na walong (8) milyon na boto sa pinakamalapit na katunggali. Maliban sa Region 1 (Ilocos Region), Region 2 (Cagayan Valley) at Cordillera Autonomous Region (CAR), mananalo si Leni sa ibang rehiyon sa buong bansa. Sa Region 3 (Central Luzon), mahigpit ang labanan, ngunit mananalo si Leni lalo na sa mga lalawigan ng Bulacan, Bataan, Zambales, at Nueva Ecija. Mananalo si Leni sa Region 4 (Southern Tagalog) sa mga probinsiya ng Calabarzon at Mimaropa.
Mananalo si Leni sa Region 5 (Bicolandia) at Region 6 (Western Visayas) at lalamang siya ng mahigit tatlong milyon na boto kay BBM. Mahigpit ang labanan sa Region 7 (Central Visayas) at Region 8 (Eastern Visayas), ngunit si Leni ang mananaig. Hindi mananalo si BBM sa mga lalawigan ng Muslim Mindanao. Mahirap siyang lunukin ng mga Muslim na alam na ang diktadura ng ama ni BBM ang pumuksa kanila bilang lipi. Hindi mananalo si BBM sa ibang rehiyon ng Mindanao. Tambalang Ro-Sa (Robredo-Sara) ang nais ng mga taga-Mindanao.
Kailangan matyagan at manmanan ang Comelec. Mandaraya ang Comelec. Hindi nangingiming mandaya sa pinapaborang kandidato. Ihanda ang kilos protesta kapag nandaya ito
***
USAP-USAPAN pa rin ang mga survey. Isinulat ko ang paksang ito:
WHAT MAKES A CREDIBLE SURVEY?
I have received a number of queries from netizens on my assessment of the latest surveys, which point to BBM as the runaway favorite. Obviously, many netizens do not trust the surveys to raise questions of concern and credibility. Allow me to answer their queries.
I am a journalist by profession. I am not an expert on opinion polls. But I know and understand what makes a credible survey. Hence, above all things, a survey, or opinion poll, has to be scientific to be trusted and become credible.
To get the sentiment or mood of a given population about certain political candidates in a political exercise, a scientific opinion poll should have the right samples. It is impossible to ask the entire adult population of the Philippines. That’s why a sample of respondents has to be chosen to represent the various classes of people in Philippine society.
A credible sample has to represent every social and economic class in Philippine society. For purposes of classification, there five distinct economic classes: A, for the elite; B for the upper middle class; C, for lower middle class; D for upper lower class, and E for lower lower class. The Philippine Statistical Authority (PSA) has assigned a numerical equivalent of these classes on the basis of the most recent census.
Experts like Romulo Virola, a retired poll expert, and JC Punongbayan, an academic, have noted that pollsters failed to get the right number of samples for each specific class. In their views, the pollsters did not accurately select their samples. Hence, their opinion polls were not scientific.
Because of wrong sampling, the opinion polls have skewed results. They were biased, it brief, the two experts said.
A trusted and credible opinion poll is a function of scientific methodology. Using wrong methodology, particularly samples which do not represent the universe of the opinion poll, could results in flaw-ridden results. The old adage of “garbage in, garbage out” applies.
***
Isinulat ko rin ang kumpisal na ito:
SABI SA AKIN ng isang kaibigan, kabilang ako sa mga “influencer” sa social media. Sabi ko, hindi ako malaki, hindi malayo ang aking reach, at hindi malakas ang aking dating. Mayroon lang akong circle of friends at regular readers. That’s the point, aniya. Sabi niya, ang mga tunay na influencer ay ang “micro-influencer” na pareho ko at hindi ang malakas ang dating at malayo ang reach. Hindi ko daw kailangan maging malaki para magkaroon ng impluwensya sa mga mambabasa.
Hindi ko maintindihan ang konsepto ng “micro-influencer.” Hindi ako magaling dito. Basta sulat lang ako ng sulat kapag may oras. May mga gawain pa ako. Mabuti na lang at inabot ko pa ang ganitong platform. Lumaki kasi ako sa makinilya at traditional media. Hindi rin ako nakikipaligsahan sa kung kanino. Basta isinusulat ko lang ang dapat ipahayag.
***
MGA PILING SALITA: “BBM is a born loser. He has never reached anything in life. Not on his own. He is a perpetual underachiever. An underperformer …” – PL, netizen
“Ignore BBM’s claim that if he loses, it’s because of fraud or whatever. Fact is… Sanay siyang natatalo. Sanay na sanay …” – PL, netizen