Advertisers
NAGSAGAWA ng protesta ang iba’t ibang militanteng grupo sa tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) sa Intramuros, Manila nitong Martes.
Karamihan sa mga nagprotesta ay nag-rally laban sa pagbabalik ng mga Marcos.
Hindi pa man ipinoproklama, malaki na ang naging lamang ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.sa partial at initial count ng COMELEC.
Maliban dito, nagprotesta rin ang mga militante laban sa umano’y mga iregularidad ng poll body.
Matatandaang, maraming Vote Counting Machine (VCMs) ang pumalya sa ilang polling precincts sa May 9 polls.