Advertisers
NGAYONG napag-uusapan kung sino ang posible at intresadong maging susunod na Senate President, may mga nagsasabi na ang pinaka-kwalipikado ay ang nagbabalik sa Senado na si Deputy Speaker Loren Legarda.
Bagama’t walang pahayag kung intresado si Legarda na maging Pangulo ng Senado ngunit may mga naggigiit na siya ang pinakaangkop na maging lider ng Senado sa 19th Congress.
Ito ay dahil sa si Legarda ay matalino, may karisma, may leadership at masipag magtrabaho.
Bukod dito, si Legarda ay pinaka-senior sa magiging bagong komposisyon ng Senado bilang three term senator, natatanging babaeng senador na naging majority leader, naging chairman ng Senate commitee on finance at dalawang beses na nag-number one sa senatorial elections.
Kinikilala at respetado rin si Legarda ng iba’t ibang sektor sa bansa at maging sa buong mundo dahil sa kanyang adbokasiya kaugnay sa pangangalaga sa kapaligiran at disaster preparedness.
Si Legarda ay kasalukuyang UNISDR Global champion for resillience, kinilala bilang Global Leader for tomorrow ng World Economic forum at Global Ambassador for Disaster Risk Reduction.
Kumbinsido naman si Senate President Pro-Tempore Ralph Recto na isa si Legarda sa pinaka-kwalipikado na maging susunod na Senate President sa 19th Congress. (Mylene Alfonso)