Advertisers

Advertisers

Klase sa online learning, puwede pa rin suspindehin – DepEd

0 235

Advertisers

BINIGYAN-DIIN ng Department of Education (DepEd) na puwede pa rin suspindehin ang klase sa online learning dahil sa ilang aspeto partikular na ang sama ng panahon.
Ayon kay DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio, ito ay sa kadahilanangmarami pa rin kasing aspeto na maaring maka-apekto sa pag-aaral ng mga estudyante sa ipinapatupad ngayon na online classes sa bansa.
Saad pa ni San Antonio, kabilang rito ang power outages o pagkawala ng kuryente, at mahinang internet connection na bunsod ng masamang panahon.
Binigyan-diin pa ni San Antonio, na maapektuhan din kasi ng bagyo ang distance learning para sa mga mag-aaral na gumagamit ng printed self-learning modules. (Josephine Patricio)