Advertisers

Advertisers

Angeli Khang tiniyak, super-wild ang sexy scenes sa ‘Pusoy’

0 1,164

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

PANIBAGONG pasabog na naman ng alindog ang masisilip kay Angeli Khang sa kanilang pelikulang Pusoy na palabas na sa May 27.
Si Angeli ang kinikilalang bagong Takilya Queen ng Vivamax. Siya ay kabilang sa casts ng chart-topping Vivamax originals gaya ng Taya, Mahjong Nights, Eva, at Silip sa Apoy.
Aminado ang magandang aktres na hindi madali ang ginagawa niyang pagpapa-sexy or paghuhubad sa pelikula.
Wika ni Angeli, “It’s never really easy to show your skin, lalong-lalo na my mom is a pastora and growing up, sobrang higpit ng mom ko sa akin. Kahit na noong nagmo-model ako, nagra-ramp model, never akong nagpa-sexy, puro pa-cute lang.
“Pero pagdating sa Viva, biglang all out agad! Biglang culture shocked ako,” nakangiting saad ni Angeli.
“Pero ngayong naghuhubad ako, ang mga nakaka-work ko naman is very professional, very gentlemen and very nice people, nakakatulong para maging comfortable ako. But I think, I’ll never get used to it (paghuhubad), hahahaha!” Nakatawang esplika pa niya.
Bukod kay Angeli, tampok sa Pusoy sina Vince Rillon, Baron Geisler, Janelle Tee, Jela Cuenca, at iba pa. Written and directed by Phil Giordano and produced by Brillante Mendoza.
Inusisa rin namin siya kung hindi ba mabibigo sa kanilang movie ang viewers na barako na naghahanap ng pampainit at pampaganang pelikula.
Aniya, “Yes, sobra-sobrang kakaiba ang mga sexy scenes dito, super-wild. Ang tawag nga namin ni Janelle is Fifty Shades of Grey pero in a weird version, hahaha! Pinoy version, kumbaga…
Nakahanap siya ng makakatulong sa kanyang ambisyon nang makilala at ma-inlove siya kay Mika (Angeli), ang bagong babae ni Rodolfo. Nang makapatay si Rodolfo ng anak ng isang makapangyarihang pulitiko, mangangailangan siya ng proteksiyon mula sa isang general.
“Never na never na mabibigo ang mga boys na naghahanap ng pampainit, it’s from Vivamax, kaya never na mabibigo yung mga boys sa movie na ito,” masayang wika pa ni Angeli.
May nararamdaman ba siyang pressure sa pelikulang Pusoy, since 4 sa Top 5 movies sa Vivamax ay kasali siya?
“Not actually pressured, but excited sa kung ano pa ang magagawa ko sa mga next movies ko, kung ano pa ang maipapakita ko sa mga tao, ano pa ang mapo-prove ko sa kanila. I hope na ang Pusoy ay maging Top 10 ulit at maka-break din ng record.”
Handog ng VIVA Films, ang Pusoy ay kuwento ni Popoy (Vince), isang ambisyoso at batang bodyguard na nagtatrabaho sa notorious na pasugalan na pag-aari ni Rodolfo (Baron), isang malupit na gambling lord, at mina-manage ni Xandra (Janelle), isa sa mga babae ni Rodolfo. Tapat sa kanyang tungkulin si Popoy, ngunit may ambisyon na balang araw ay mapasakanya ang pasugalan.