Advertisers

Advertisers

Kailangan pa ba ang PCGG?

0 380

Advertisers

DAPAT na sigurong buwagin ng bagong administra-syong Marcos ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) na binuo noon ni late President Cory Aquino para habulin ang mga kinulimbat ng pamilya Marcos.

Oo! Ano pa ang magiging silbi ng PCGG eh Marcos na uli ang Presidente. Maipagpapatuloy pa ba nito ang kanilang pagbawi sa mga iligal na yaman ng pamilya Marcos na after 36 years ay balik-Malakanyang simula sa Hulyo 1?

Isang kalokohan kung makakapagtrabaho pa ang PCGG dito kay presumptive President Bongbong Marcos Jr.. Iimbestigahan nila ang presidente? Hahaha…



Ang PCGG ay binuo ni Cory noong Pebrero 28, 1986, dalawang araw matapos natapon sa Hawaii ang pamilya Marcos, para bawiin ang mga “kinulimbat” ng yumaong diktador.

***



Naging matagumpay naman ang PCGG sa pagbawi sa mga iligal na yaman ng pamilya Marcos. Base sa datus, noong 2020 ang Philippine government ay nakabawi ng P174.2 billion mula sa Marcos ill-gotten wealth.

At noong 2021, may hinahabol pang P125.9 billion ang gobyerno sa pamilya Marcos. Mabawi pa kaya ito eh nasa Palasyo na uli ang Marcoses sa sunod na buwan? No way!



Malamang ipabuwag na ni BBM itong PCGG. Wanna bet?

***

Sa pagkabalik ng Marcoses sa Palasyo, malamang trabahuin nilang mabawi ang mga asset nilang inari na ng cronies ni late President Marcos Sr. tulad ng Philippine Air Lines, San Miguel Corp. at iba pa..

Sigurado na umiikot na ang tumbong ngayon ng mga pinagkatiwalian noon ni Marcos Sr. na nagtaksil sa huli nang mawala ito sa kapangyarihan.

Tingin ko ay magiging bising bisi ang Marcoses sa paniningil sa mga nagtaksil sa kanilang ama noong 1986.

Actually, ang utak sa pagpatalsik kay Marcos Sr. sa Malakanyang noon ay ang kanyang Defense Secretary na si Juan Ponce Enrile at PC-INP Chief Fidel V. Ramos.

Si Enrile ay naging Senador at si Ramos ay naging Presidente nang matapon sa Hawaii ang pamilya Marcos.

Ngayon, si Enrile, na nahaharap sa kasong Plunder sa Sandiganbayan at nakalalaya lang sa piyansa, ay sumisipsip na kay BBM.

Si Ramos naman ay tahimik na, mahina na raw.

***

Tinanggap na ni Vice President Leni Robredo ang kanyang pagkatalo kay BBM sa nakalipas na halalan.

Aniya, malinaw na sa kanya ang lahat. Talo siya. Okey na sa kanya na pamunuan ni BBM ang Pilipinas sa sunod na anim na taon.

Say ni Robredo, ipagpapatuloy naman niya ang pagtulong sa mga Pinoy sa pamamagitan ng kanyang bubuuing pinakalamalaking NGO, ang Angat Buhay.

Si BBM ay lumamang ng higit 17 milyon na boto kay Robredo.

***

Tinatanong ng mga concerned Romblomanon ang status ng kaso ni ex-Romblon Governor ngayo’y Congressman Jesus “Budoy” Madrona sa Sandiganbayan. Ito’y tungkol sa fertilizer fund scam na nangyari noong 2004.

Tapos na ang kasong ito. Submitted for decision na. Sandiganbayan ilabas nyo na nga ang desisyon!!!