Advertisers
INILIPAT ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang petsa ng muling pagbubukas ng Manila Baywalk Dolomite Beach.
Nakatakda sanang buksan ito sa Mayo 20 ngunit inilipat ito sa Hunyo 3.
Pahayag ng DENR, ilang imprastraktura sa lugar ay hindi pa natatapos at kinakailangan ding maglinis malapit sa US Embassy.
Bukod dito, sinabi ng ahensya na dapat matiyak ang kalinisan at kaligtasan ng tubig sa Manila Bay.
Noong September 2020 nang unang buksan sa publiko ang Dolomite Beach.