Advertisers

Advertisers

Sa pagtakbo sa Presidential election: “No regrets” – Isko

0 327

Advertisers

SINABI ni Manila Mayor Isko Moreno na wala siyang panghihinayang sa ginawa niyang pagtakbo sa Presidential election at sa katunayan siya ay labis na nagpapasalamat sa Panginoon at sa mga taong sumuporta sa kanya.

“I have no regrets. Madami akong dapat ipagpasalamat sa buhay. Galing ako sa basurahan. I came from nothing. I have no regrets and will always be grateful to God,” sabi ni Moreno.

Pagdating ng July 1, sinabi ni Moreno na siya ay magiging “citizen Isko” at nangangakong magiging isang responsableng mamamayan ng bansa.



“Hindi ako nagkamali ng desisyon na sumali kasi nakita ko ang pinaglalaban ko, na maiahon sa maayos na katayuan ang mga tao. It was proven correct when I saw the people sa buong bansa,” sabi pang muli ni Moreno.

Ayon kay Moreno, ang pinakalamalaking natutunan niya sa kanyang naging pagtakbo sa pagka-Pangulo ay nalaman niya na napakagandang bansa ng Pilipinas bagama’t napakarami ding mahirap na mamamayan na namumuhay sa miserableng kondisyon, lalo na sa mga lalawigan



“Kung ramdam natin ang hirap dito, mas doble ang marami nating kababayan,” sabi niya.

Bilang mamamayan ng Maynila, nanawagan si Moreno sa lahat ng mamamayan na magsikap at maging magaling sa kanilang napiling larangan at tulungan ang bagong administrasyon sa ilalim ng liderato nina Honey Lacuna at Yul Servo. (ANDI GARCIA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">