Advertisers

Advertisers

Nag-give way na lang…Alden ipinaubaya si Maine kay Arjo

0 401

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SA podcast ng GMA showbiz correspondent na si Nelson Canlas, naging panauhin niya ang Kapuso actor na si Alden Richards.
Ani Alden, sa ngayon ay independent na siya sa kanyang pamilya dahil namumuhay siya nang solo.
Pero hindi raw naman ibig sabihin noon ay hindi na siya in touch sa kanyang family.
At dahil namumuhay siya nang solo, sinabi niya na siya mismo ang gumagawa ng lahat ng gawaing bahay kasama na ang pag-aasikaso sa sarili.
Kung para sa ibang tao ay sakit ang pagiging obsessive-compulsive, para sa kanya, isa raw itong therapy lalo na noong panahon ng pandemya.
“Therapy kasi ‘yung OCD (obsessive-compulsive disorder) ko para sa akin. Inaayos ko ‘yung mga bagay, so mas nakakapag-isip ako nang maayos. Lalo pa nun’g time na pandemic. Walang cleaners, wala kang pwedeng tawagan to clean the house. Ako lahat ‘yun. Kaming dalawa ni Mama Ten (referring to his PA, Tenten Mendoza) ‘yan,” pagbabahagi ng bedimpled actor.
Sey pa niya, hindi niya ikinahihiya ang paggawa ng manual labor o chores sa kanyang bahay.
“Walis dito, vaccum dito, laba dito, pagpag ng alikabok dito,” aniya.“Tapos everyday, everyday na ginawa ni Lord, bago ako umalis ng condo, iikutin ko lahat. May final check yan, final inspection kahit alam kong maayos na,” dagdag niya.
Pag nakita niyang okay na ang lahat, saka pa lang daw siya aalis.
Pagdating naman sa love life, natanong siya kung na-TOTGA na siya.
Sey niya, oo raw at isa itong artista tulad niya.
Bagama’t wala siyang tinutukoy na pangalan, aware ang listeners na ang tinutukoy niya ay ang dating kapareha sa Aldub na si Maine Mendoza.
Naurirat din siya kung nabasted na ba siya ng girl.
Aniya, hindi raw naman siya nabasted dahil siya itong ang nagbigay in the end.
“No. Nag-give way, yes,” sagot niya.
Dahil sa sagot niyang ito, nag-opinyon tuloy ang kibitzers na ipinaubaya ni Alden si Maine sa boyfriend nitong si Arjo Atayde.