Advertisers
PATULOY ang pangingibabaw ng tinaguriang weightlifting queen Hidilyn Diaz, matapos pagharian ang women’s 55 kilogram event at muling masungkit ang gintong medalya sa Southeast Asian Games.
Ang kauna-unahang Olympic gold medalist ng Pilipinas ay may kabuoang buhat na 206 kgs-92kg sa snatch at 114 kgs sa clean and jerk para makuha ang kanyang ikalawang sunod na SEA Games gold matapos mapagtagumpayan ang parehong event sa 2019.
Naungusan ni Diaz si Sanikun Tanasan ng Thailand, na nagkasya sa silver na may SEA Games-record snatch na 93 kgs. 110 kgs sa clean and jerk para sa kabuoang 203 kgs.Indonesia’s Natasya Beteyob napunta sa third place sa buhat na 188 kgs.
Ito ang unang gold medal para sa Philippine weightlifting team sa Hanoi.