Advertisers

Advertisers

Lalaki kinatay at isinilid sa bag

0 250

Advertisers

Tinutugis ngayon ng pulisya ang isang Bangladesh national matapos nitong patayin at isilid sa bag ang isang hindi pa kilalang lalaki sa Sto. Tomas City, Batangas noong nakaraang Linggo ng gabi.

Batay sa ulat ng Sto. Tomas police, natuklasan ang krimen makaraang tawagan ng salarin na si Ahmed Sabuj, 28 anyos, ang kanyang landlady na si Jovilynn Villa.

Sinabi umano ng dayuhan sa kanyang kasera ang tungkol bangkay sa kanyang inuupahang apartment sa



Avant Garden Subdivision, sa Barangay San Roque.

Agad namang nag-report sa pulisya si Villa.



Nang puntahan ng mga pulis ang naturang apartment, natagpuan ang bangkay ng lalaki na nakasilid sa isang bag na nasa loob ng banyo. Wala ng ibang impormasyon kung paano pinatay ang biktima.

Inaalam pa ng mga imbestigador ang pagkakakilanlan sa biktima.



Pinaghahanap din ang tumakas na dayuhan.