Advertisers

Advertisers

ROBREDO SURRENDER NA KAY BBM SA 1ST DAY PA LANG NG CANVASSING SA KONGRESO!

0 423

Advertisers

Nagresulta ng iba’t ibang reaksiyon ang ginawang manifestation ng legal counsel ni Vice President Leni Robredo na si Atty. Romulo Macalintal sa kasagsagan ng canvassing na isinasagawa ng House of Representatives na tumatayong National Board of Canvassers (NBOC) ng mga boto para sa pagka-presidente at bise presidente.

Pormal na kasing idineklara ni Macalintal na hindi na nila kukuwestiyunin ang pagbibilang ng boto para sa presidential race.

Sa kanyang manifestation, binasa nito ang statement ni Robredo noong Mayo 13 na nananawagan sa kanyang mga tagasuporta na tanggapin ang desisyon ng nakakaraming Pinoy sa naganap na halalan noong Mayo 9.



Sa isinagawa kasing partial at unofficial count at lamang ang kanyang karibal na si Presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos ng mahigit 16 million.

Nakakuha si Marcos ng mahigit 31 million na boto habang si Robredo ay nakakuha lamang ng mahigit 14 million na boto.



Matapos ang naging manifestation ni Macalintal ay agad namang nagpasalamat ang counsel ng presumptive president na si Atty. Vic Rodriguez dahil sa pagtanggap ng mga ito ng kanilang pagkatalo at kinikilala ang resulta ng katatapos na halalan.

Samantala, maliban kay Macalintal, nagbigay din ng kanyang manifestation si Atty. Rizalina Lumbera, legal counsel ni Manila Mayor Isko Moreno na nasa ika-apat na puwesto sa katatapos na halalan.



Matapos makakuha ng mahigit 1.9 million na boto, sinabi ni Lumbera na wala rin umano silang objection sa isinasagawang canvassing ng mga boto dito sa Kamara.

Dahil naman sa manifestation ng dalawang counsel ni Robredo at Moreno ay sinabi ni Senate Majority Floor Leader Juan Miguel Zubiri na mas mapapadali na ang kanilang isinasagawang canvassing.

As of this writing possible ring mas mapaaga pa ang pagtatapos ng canvassing at proklamasyon ni BBM at Inday Sara Duterte.

Patunay ito nang ganap na pag-surrender ni Robredo at ng Pinklawan sa landslide win ng Uniteam ng BBM-Sara Duterte tandem.

Sa ginagawang canvassing ng joint houses ng Congress, malinaw na tinambakan ng boto nina Marcos at Sara Duterte ang tambalan nina Robredo at Kiko Pangilinan.

Lumamang ng ng napakaraming boto ang BBM-Sara tandem sa lahat ng rehiyon ng bansa maliban na lamang sa Bicol region.

Pati na ang dalawang petisyon na inihaing sa Korte Suprema ng dalawang grupo laban sa kay BBM ay tuluyang mababalewala na rin pagganap nang nai-proklama ng Joint Houses of Congress sina Marcos at Duterte bilang nanalong Pangulo at Pangalawang Pangulo na binoto ng majority sa mga botanteng Pilipino nitong nagdaang May 9,2022 national elections.

Samantala, ilang grupo ng malalaking negosyante ang optimistiko na sa ilalim ng papasok na administrasyong Marcos-Duterte ay uusad na ang ekonomiya ng bansa.

Masusi pa ring pinag-aaralan ng kampo ni BBM ang komposisyon ng kanyang economic team na magmumula sa iba’t ibang sektor ng lipunan.

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com