Advertisers

Advertisers

P1 DAGDAG PASAHE APRUB SA LTFRB

0 352

Advertisers

APRUBADO na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kahilingan ng mga jeepneys drivers na dagdag na pisong taas ng pamasahe epektibo simula ngayong Huwebes, Hunyo 9.

Gayunman ang fare hike ay para lamang sa mga jeepneys na bumabiyahe sa Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon, at Mimaropa.

Dahil dito nasa P10 na minimum fare na ang sisingilin mula sa kasalukuyang P9 sa mga nabanggit na lugar.



Sa desisyon na ibinababa ng Board ng LTFRB, ang provisional P1 fare hike ay para sa unang apat na kilometro, habang wala ng sisingilin na taas sa mga susunod na kilometro.

Nag-abiso rin naman ang LTFRB sa mga public utility jeepneys sa naturang mga rehiyon na dapat maglagay sila ng “notice of provisional fare increase” sa loob ng mga sasakyan.

Ang pagsang-ayon ng LTFRB sa taas pasahe ay kasunod na rin ng walang humpay na oil price increase.

Ang naturang taas sa pasahe ay una nang ibinasura ng Board noong buwan ng Abril pero naghain ng motion for reconsideration ang mga petitioners na transport groups.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">