Kylie nahirapan sa lock-in taping nang malayo sa mga anak; Andrea nag-enrol sa Spanish class dahil sa ginawang movie
Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
EXCITED si Kylie Padilla sa kanyang bagong primetime series na “Bolera” na gumaganap siya bilang isang billiard player.
Sa panayam sa aktres, aminado si Kylie na wala siyang kaalam-alam noon sa paglalaro ng bilyar.
Pero kaagad daw niyang tinanggap ang proyekto dahil sa ganda ng istorya nito, lalo na sa kanyang karakter na si Joni.
Hindi pa rin daw siya makapaniwala na makakasama niyang maglaro ang mga billiards legends at masters na sina Efren “Bata” Reyes, Django Bustamante, Rubilen Amit at Johann Chua.
Hanggang ngayon kapag binabalikan ko yung memory na ‘yon, parang hindi siya…kasi sa lahat ng naglalaro ng bilyar that’s a dream come true,” ani Kylie.
“Yung buong taping namin one day, wala silang ginawa kundi turuan lang ako kung paano magbilyar,” patuloy niya.
Hindi naman daw naging mahirap kay Kylie ang proyekto dahil mahilig din siya sa sports. Pero aminado siya na nag-adjust siya sa lock-in taping dahil kinailangan niyang malayo sa dalawa niyang anak nang matagal.
Yun yung pinakamahirap. Everything else is easy naman, yung pinakamahirap yung malayo sa mga anak. May adjustment for me,” sabi ni Kylie.
Naniniwala si Kylie na muling mauuso ang bilyar na para sa kanya ay isa sa mga laro na “it will make you smarter.”
Napapanood ang “Bolera” sa GMA Primetime
***
MASAYA si Kapuso actress Andrea Torres sa upcoming live performance niya para sa mga Kapuso abroad.
Bahagi kasi si Andrea ng live presentation na Stronger Together ng GMA Pinoy TV sa Japan.
“Talagang ginawa ng GMA lahat para siksik, lalung-lalo na kasi ang dami nating sine-celebate sa buwan na ‘to—Independence Day, Rizal Day. Talagang ‘yung mga Pinoy, gusto namin ‘yung maradaman talaga nila ‘yung pagkakaisa, kaya nga ‘Stronger Together,’” pahayag ni Andrea.
Mas lalo pa raw siyang naging excited dahil mismong June 12, Independence Day, nakatakda ang kanyang performance.
“Talagang nagpa-record ako ng mga bagong songs. Lahat ng magpapasaya sa mga Kapuso natin doon, gagawin ko,” lahad ng aktres.
Katatapos lang ni Andrea ng shooting ng kanyang Argentine-Filipino film na Pasional. Isa raw karangalan para sa kanya na maipaikta sa mga banyaga ang ganda ng Pilipinas.
“Sabi nga nila, first time nila nakakita ng ganoon ka blue na water. Namangha sila kasi siyempre ang ganda ng Palawan. Kahit po ako, first time ko doon. Hindi ko alam na mayroon tayong mga ganoon dito sa Pilipinas,” paggunita niya.
Ipinatikim din daw niya ang ilang Filipino dishes sa cast at crew ng pelikula.
“Tinry nila lahat mga pagkain natin kahit ‘yung mga isaw. Favorite nila siyempre ‘yung adobo. Talagang hit ‘yan sa lahat,” aniya.
Dahil sa magandang experience niya sa Pasional, na-inspire raw si Andrea na mag-enrol sa Spanish class.