Advertisers

Advertisers

6 taon kulong sa Ex-Pampanga mayor sa katiwalian

0 471

Advertisers

Hinatulan ng anim hanggang walong taon at hindi na ito maaring manungkulan pa sa anumang pampublikong posisyon ang dating alkalde ng Pampanga.

Ito ang naging hatol ng Sandiganbayan kay dating Guagua, Pampanga Mayor Ricardo Rivera, na nilitis sa kasong katiwalian.

Bunga ang kinaharap na kaso ni Rivera ng hindi natapos na public slaughterhouse sa kanilang bayan noong 2009.



Sinampahan ng kasong paglabag sa RA 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act si Rivera nang mabigo ang NC’s General Contractor na tapusin ang slaughterhouse hanggang noong Disyembre 20, 2009.

Sa inilabas na resolusyon ng Sandiganbayan 4th Division, napatunayan na walang ginawang hakbang si Rivera para matiyak na matatapos ang proyekto.



Sa depensa naman ng dating opisyal, sinabi nito na may mga naging kaganapan tulad ng mga bagyo at malakas na pag-ulan kaya’t hindi natapos ang katayan.

Hindi naman tinanggap ng anti-graft court ang kanyang mga dahilan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">