Advertisers

Advertisers

1 Cafgu patay, 3 sugatan sa ambush

0 309

Advertisers

CENTRAL MINDANAO – Grupo nang Liquidation Squad ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang nanambang sa mga kasapi ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (Cafgu) sa lalawigan ng Maguindanao.

Kinilala ang nasawi na si Thong Kaul, 40 anyos; habang sugatan sina Datu Ali Arsad, 29; Mohammad Talipasan Mama, 27; at Salindatu Mangulamas, 33, mga Cafgu sa ilalim ng 6th Infantry (Kampilan) Division.

Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Christopher Panapan na lulan ang apat na Cafgu sa isang kotse mula sa kanilang kampo patungong Cotabato City.



Ngunit sa pagsapit ng mga biktima sa Sitio Gubat Barangay Makir Datu Odin Sinsuat Maguindanao, tinambangan ang mga biktima ng mga armadong kalalakihan na pinaniniwalaan mga myembro ng BIFF-Liquidation Squad.

Dahil unang tinamaan ang driver ng kotse, hindi na nito nakontrol ang manobela at bumangga sa payloader sa gilid ng kalsada.



Patay on the spot si Kaul habang naisugod sa pagamutan ang kanyang tatlong kasamahan.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Datu Odin Sinsuat PNP.(Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">