Advertisers

Advertisers

SARA GUSTO MAGKAROON NG SARILING OPIS ANG OVP

0 293

Advertisers

NAIS ni VP-elect Sara Duterte-Carpio na magkaroon ng permanenteng opisina ang tanggapan ng ikalawang Pangulo ng bansa o Office of the Vice President (OVP).

Sinabi ni VP Sara, pansamantalang gagamitin muna ng kaniyang team ang Quezon City Reception House bilang OVP headquarters subalit tinitignan pa ang ibang posibleng lugar kung saan kayang ma-accommodate ang lahat ng empleyado ng OVP kabilang na ang organic personnel sa ilalim ng OVP.

Magsisilbing singular project umano ito ng OVP na kanilang iiwan matapos ang anim na taong termino at umaasang pakikinabangan ng mga susunod na bise presidente ng bansa.



Ilan sa mga nagdaang ikalawang pangulo ng bansa ay ginamit ang Legislative Building na ngayon ay National Museum, Philippine International Convention Center, Philippine National Bank Building; the Coconut Palace; at ang Quezon City Reception House bilang OVP headquarters.

Bukod pa sa pagkakaroon ng permanenteng OVP, plano rin ni Duterte na iimplementa sa national level ang ilan sa kaniyang mga programa sa Davao City.



Kabilang dito ang peace building sa komunidad, responsible parenthood, edukasyon at ang “Magnegosyo ‘Ta Day na layong makapagbigay ng small business loans para sa mga kababaihang nais na magpatayo ng kanilang sariling negosyo.

Si VP Sara ay pormal nang nanumpa bilang ika-15 na bise presidente ng bansa nitong Linggo. (Josephine Patricio)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">