Advertisers

Advertisers

PARANGAL NG PBAPC KAY MAYOR VERGEL MENESES NG BULAKAN

0 188

Advertisers

KINILALA ng prestiyosong samahan ng mamamahayag sa Philippine Basketball Association ang naiambag sa larangan at sa bayan ng dating PBA superstar/ MVP na ngayo’y buhay na alamat na ‘Aerial Voyager’ (Mayor)Vergel Meneses .Siya ang panauhing pandangal ng PBAPC Awards kagabi sa Novotel,Araneta Center.

Saludo ang korner na ito sa PBAPC at galamano kay idol player,coach turned public servant Mayor Vergel.

Kabilang si dating national player Meneses sa mga sikat na celebrity ng bansa na nahalal sa puwesto nitong nakaraang local/ national election( Mayo 9,2022).



Ang tanyag na player dahil sa kanyang kakaibang estilo ng laro na nagpahanga laksang followers sa PBA na si Meneses ay nahalal MULI bilang alkalde ng bayan ng Bulakan sa lalawigan ng Bulacan.

Bakit iniluklok muli ng Bulakeños ang naging miyembro ng Philippine Centennial team ,Ginebra superstar at naging head coach ng Jose Rizal University( JRU Heavy Bombers) na si Mayor Vergel bilang ama ng kanyang bayan?



Humanga kasi ang kanyang constituents sa kanyang dedikasyon at taos- pusong pagtulong bilang halal na lingkod- bayan. Saludo naman ang sambayanang Pilipino noong siya ay atleta pa at kumakatawan sa bansa bilang national basketball player na nakapaghandog na rin ng karangalan sa bansa at lalo naman siyang ipinagmalaki nang mahalal bilang ama ng bayan at nagampanan niya ang tungkulin sa kanyang paglilingkod sa kababayang Bulakeños.

Lahat ng pangako niya sa bayan ay natupad kahit na sa gitna ng pandemya.



Sa panahon ng krisis kalusugan dulot ng covid na rumagasa sa buong mundo ay kinakitaan si Mayor Vergel ng katatagan at malasakit sa kanyang nasasakupan kung saan ay pantay-pantay niyang naipamahagi ang mga kaukulang ayuda sa kanyang mahal na kababayan.

Bukod sa naturang kalamidad ay tuloy naman ang basic services ng munisipyong pinamumunuan kung kaya ay naging markado sa mga Bulakenyos ang kanyang nagawa sa buong termino nito.

Kabuhayan ,kalusugan at kapayapaan, tagumpay ang aerial voyager sa lahat ng aspetong serbisyong bayan sa Bulakan.

Sadyang maigsi ang tatlong taong termino kaya binigyan uli ng panibagong mandato ng kanyang kababayan para tuloy ang asenso ng mga tao… MISMO!

Congrats and hats off Mayor Vergel Meneses. Di natin maipe-predict ang tadhana,pero kung sadyabg nakaguhit,baka sa malaong hinaharap ay lumawig pa ang kanyang palilingkod mula local tungo sa national na aspeto bilang mambabatas ng bansa.Senador Meneses?… ABANGAN!