Advertisers

Advertisers

Mga kontra kay Pres. BBM as DA Secretary

0 323

Advertisers

DAMING kontra sa inanunsyo ni President-elect Bongbong Marcos na hahawakan niya muna ang Department of Agriculture para ayusin ang nakaambang malaking problema sa agri products.

Say ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), hindi nila tanggap si BBM bilang kalihim ng Department of Agriculture (DA) dahil wala raw itong karanasan.

“At the very least, Marcos Jr. assigning himself as agriculture chief ‘for now’ further exposes the unpreparedness of his coming administration…Wala na ba talagang iba?,” banat ng KMP



“Or worse, Marcos Jr is beginning to show his power-hungry nature. The agriculture department is a central destination of foreign loans and investments from the World Bank and othet financial institutions,” sabi pa ng grupo.

Tama rin naman ang KMP. Pero mas maige na subukan muna ang kakayahan ni BBM sa paghawak ng agriculture. Tiyak namang kukuha siya ng mga taong may malawak na kaalaman sa pagsasaka pati na sa pangingisda.



Ang maige kasi rito sa pag-upo ni BBM sa Agriculture ay makikita niya kung magkano ang dapat maging pondo nito at makausap ng direkta ang mga lider magsasaka at mangingisda, at malaman kung ano ang dapat gawin para maging maayos ang pagsasaka at pangingisda.

Kaya mga igan, pagbigyan muna natin si BBM sa paghawak sa Agriculture. Tingnan natin kung paano niya maaayos ang malala nang problema ng ating mga magsasaka at mangingisda bunga ng grabeng smuggling ng agri products mula sa iba’t ibang bansa at pagtaas na ng animal feeds at fertilizers.



Wish natin magtagumpay si BBM bilang DA Secretary.

***

Say ni outgoing Senator Franklin Drilon, dapat ay ianunsyo ni incoming President BBM ang tunay na kalagayan ng bansa. Dahil hindi niya naman gawa ito kundi ng outgoing administration (Duterte).

“Tell the people the truth, because it’s really tough on the budget this year. I hope we do not sugarcoat the problems we have because it’s not fair. It’s better they be candid to the Filipino people and say exactly what is in store for them,” giit ni Drilon, ang tinaguriang “Big Man” ng Senado.

Ang Pilipinas ay iiwanan ng Duterte administration ng halos P13 trillion na utang, mula sa dating P6 trillion sa panahon ni late PNoy.

Sa panahon ni late PNoy ang Pilipinas ay kumikita ng P1 trillion kada taon. Nakapag-iwan siya ng P3 trillion nang matapos ang kanyang termino noong 2016.

Pero biglang naglaho ang pondong iniwan ng yumaong pangulong sinabihan nilang “Abnoy”, at nakapangutan pa ng higit P6 trillion ang Duterte administration. Mismo!

Simula ngayong taon ay kailangan nang simulan ng Pilipinas ang pagbayad sa napakalaking utang na ito. Higit P320 billion kada taon ang dapat ibayad ng Pilipinas.

Papaano mababayaran ng bansa ang ganito kalaking utang eh pataas nang pataas ang inflation ng Pilipinas, higit 7 percent na!

Malaking problema pa ngayon ang walang tigil na pagtaas ng mga produkto ng petrolyo, hindi dahil lamang sa giyera ng Russia at Ukrain, kundi dahil sa malaking fuel tax na ginawa ng Duterte administration para lamang matustusan ang pagdoble sa suweldo ng uniformed personnel at Build Build Build na tadtad ng katiwalian. Pwe!