Advertisers

Advertisers

Hajj Pilgrims stranded sa MM, nagpasaklolo kina PBBM at Sen. Padilla

0 298

Advertisers

NAGPAPASAKLOLO kina President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., at Senator Robin Padilla ang libong Hajj Pilgrims na na-stranded sa Maynila nang makansela ang flight sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) patungong Mecca, Saudi Arabia para sa kanilang religious activities.

Nangangamba sina Datu Omar Pumbaya, Administrator ng Manila Golden Mosque sa Quiapo; at Lanao del Sur board member Abdul Hamid Amerbitor na kasalukuyang kumukupkop sa mga Hajj Pilgrims na baka hindi matupad ng mga ito ang kanilang misyon para kay Allah sakaling hindi makalipad patungong Saudi Arabia bago mag-July 8.

Sana noong Hunyo 19 pa nakasakay ng eroplano ang mga Hajj pero nagkaproblema ang mga ito sa kanilang visa, at may ilang araw na ang nakalilipas pero nasa proseso pa rin ang pag-aasikaso nito.



Napag-alaman na nagkaroon ng kalituhan sa bagong sistema na ipinatutupad ng gobyerno ng Saudi Arabia, na ang mandato tulad sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) ng Pilipinas. At hindi agad naipasok ang bayad ng service providers dahil sa limitasyon sa maaring maideposito.

Dumaraing ang mga na-stranded na Hajj, na ubos na ang kanilang mga pocket money na dapat sana sa KSA nila ito gagastusin.



Anila, pinag-ipunan nila ang halos P300k na ibinayad nila sa piligrimage, kasama na ang tiket at hotel accomodation.

Sa ngayon, naka-check-in sa iba’t ibang hotel at sa loob ng Golden Mosque nanunuluyan ang mga nasabing stranded na Hajj.



Nakikiusap sila sa National Commission on Muslim Community (NCMC), na nangangasiwa sa religious activity, na maayos na sana ang kanilang naging suliranin sa pagkakaantala ng kanilang mga visa.

Sinabi ni Amerbitor na sana magkaroon ng special flights ang mga stranded na Hajj.

Nagpasalamat naman ang mga Hajj Pilgrims kina Datu Omar at Amerbitor, na tumutulong sa kanila upang makahanap ng mga taong sasaklolo sa kanilang sitwasyon.