Advertisers

Advertisers

PARKE AT COVERED COURT,GINAWANG MINI CASINO!

0 356

Advertisers

Ibang klase naman pala talaga ang mentalidad ng ilang halal na opisyales ng bayan ng Rosales diyan sa lalawigan ng Pangasinan sa pangunguna ng mabunying alkalde nito na si Susan Casareno na may total na populasyong umaabot sa 66,711.

Ganito po karaming mamamayan ang ikinompromiso at tila tinatarantado ni Mayora Casareno pabor sa isang dayong operator ng isang peryahang may sugal.

Tila hindi na inalintana pa ng babaeng alkalde at ng kanyang mga kasamahang elected officials ang katotohanang isang iligal na gawain ang kanilang ‘pinapasok’ sa kanilang bayan.



Una, nang kanilang pahintulutang makapaglatag ng isang peryahang may drop ball at color games ang dayong operator na ito at isyuhan ng permit.

Ang isang permit kasi ay puwedeng verbal consent o black and white na pahintulot!



Pangalawa, ang hayaang gawin gambling den no mini-casino ang mismong parke at covered court ng bayan ng Rosales para sa ganito kagarapal na opisyo ng iligal na sugal.

Literal na inagawan ng peryahang ito ang mga taga-Rosales, Pangasinan ng isang sagradong lugar na kanilang mapapasyalan at mapag-eehersisyuhan sa araw-araw.



Imagine, public park na sana’y pasyalan ng mga mamamayan lalo na ng mga senior citizens at isang basketball covered court na napaglilibangan at napaglalaruan ng mga kabataan ng Rosales ay mistulang ibinigay ‘on a silver flatter’ sa isang promotor ng iligal na sugal.

Kaya naman hindi lamang mga residente ng Rosales, Pangasinan at nagsisintir at nagagalit kay Mayora Casareno kundi ang mismong mga kapulisan nito.

Wala kasing maniniwala na walang money-involved sa biglang pagsulpot ng sugalang ito sa sentro ng Rosales, Pangasinan, ilan metro lamang ang layo sa pamahalaang bayan ng Rosales at tanggapan ni Mayor Casareno.

Tolongges na lamang ang maniniwalang walang “kumita’ sa paggamit sa mismong parke at covered court ng bayan ng Rosales para gawing mini-casino.

Hindi rin magandang ehemplo para sa mga kabataan ng Rosales, Pangasinan na i-prayoridad ng kanilang mismong alkalde ang kultura ng pagsusugal imbes na kalusugan at recreation activities ng kanyang mga constituents.

Marahil, ang pagtaya sa peryang may sugal na ito ay itinuturing ni Mayora Casareno na isang “form of recreation activity ng kanyang mga constituents kaya pinahintulutan’!

Paglilibang nga ba para sa mga taga-Rosales, Pangasinan ang dahilan kung kaya’t pumayag ang kanilang punongbayan na pahintulutang mamayagpag ang iligal na sugal sa kanilang bayan?

Peryang may sugalan nga lamang ba ang umiiral na pasugal dyan sa bayan ni Mayora Casareno?

Wala bang jueteng o mga kauri nitong iligal na sugal sa Rosales?

Marahil ay dapat nating alamin mismo ang mga ito sa mga kagawad ng pambansang kapulisan (PNP) na nakatalaga diyan sa Rosales.

Ang siste, may impormasyon tayo na demoralisado ang kapulisan ni Mayora Casareno dahil sa mga aspetong ito at ang malayang presensiya ng iligal na sugal sa kanilang bayan.

May malaliman pang paghuhukay ang ating gagawin patungkol sa ‘unholy alliance’ na ito na nabuo sa pagitan ng ilang gambling operators ng Rosales at ng tanggapan ni Mayora Casareno.

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com