Advertisers

Advertisers

Sanya malabo pa ring magka-lovelife sa kabisihan sa raket

0 313

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

MATATANDAAN na halos magkasabayan lang na nabuntis at nanganak ang maghipag na sina Anne Curtis at Solenn Heussaff.
Ngayon nga ay 16 weeks nang preggy si Solenn para sa pangalawang baby nila ni Nico Bolzico.
Tututukan naman ni Solenn ang kanyang panibagong pagbubuntis at never muna tatanggap ng project.
Ikinatuwa ng mister na si Nico ang pagtutok ng esmi na si Solenn sa kanyang pagbubuntis
Dahil dati naman magkasabay sa pagbubuntis at panganganak sina Anne at Solenn kaya inaaasahan na waiting na rin si Anne para sa kasunuran ni Dahlia.
Ubra na naman dahil malaki laki na ang kanilang panganay ni Erwan Heussaff.
Pero wala pa naman komento si Anne kung susundan at bibigyan na nila ng kapatid or kalaro si Dahlia.
If ever na nagkataon na buntis na rin si Anne aba’y paligsahan yata ang maghipag sa pagbubuntis at pagkakaroon ng anak.
Kababalik pa lang nga kamakailan ni Anne sa kanyang It’s Showtime.
Kung nagkataong preggy ito ay balik na ulit si Anne sa maternity leave.
Well, tignan natin.
***
NAPAKALABO pa raw sa liwanag ng ilaw na makapahinga si Sanya Lopez.
Dahil after ng kanyang serye ay raratsada pa rin ang sissy ni Jak Roberto.
Kaya ang inaasam na magka-lovelife o magkadyowa ay imposible.
Hindi pa nga makapahinga after ng ending ng First Lady.
Eto’t may bagong karera na sasabakan si Melody na character na ginampanan ni Sanya sa nag-end na nitong serye.
Kaya paano nga raw matututukan ang magka-lovelife eh busy ulit si Sanya.
Yes, try naman nito na maging recording artist.
Kahit wala pang bf si Sanya ay di naman ito nagmamadali na magkadyowa sa ngayon.
May balita pa ngang magtatambal sila ni Dennis Trillo sa isang project.
Well, well, well….’Yun na!