Advertisers

Advertisers

Alegasyon ni Bernie Ang vs pamilya Lopez, tinuligsa

0 372

Advertisers

BUMUWELTA si dating Representative Carlo Lopez kay Secretary Bernie Ang hinggil sa mga naging alegasyon nito na natalo ang mga Lopez sa Maynila dahil sa pagbubunyag ni Atty. Alex Lopez sa malawakang korapsyon sa Lungsod ng Maynila.

Hindi na nakapagpigil ang dating kinatawan ng distrito 2 na kilalang tahimik at hindi mahilig sa publicity kaya nagsalita na ito hinggil sa usaping ito.



Napag-alamang napikon na si Carlo kaya hindi na nito pinalampas ang mga sinasabi ni Ang na natalo sila nina Alex at Manny Lopez nitong nagdaang May 9 elections dahil sa pag-‘Marites’ ni Atty. lopez sa mga anomalya sa Manila City Hall.

Ipinahayag ni Cong. Lopez, na isa sa dahilan kung bakit patuloy silang naghahain ng electoral protest dahil sa malawakang bilihan ng boto a massive election fraud noong May polls.



“More than 30 candidates from all parties except Asenso candidates signed a manifestation condemning the massive election fraud in the local elections in the City of Manila. Alex’s exposure of corruption in city hall is his duty and the people of Manila support him. Evidence of more corruption was exposed by Atty. Lopez, people of Manila benefits as checks and balances are important in any democracy,” wika ni Cong. Lopez.

Matatandaan na isa si Bernie Ang sa mga kinasuhan ng Divisoria vendors sa Ombudsman kasama si dating Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso at dating vice mayor na ngayon alkalde na Maynila Honey Lacuna at iba pang konsehal ng lungsod kaugnay sa ginawang pagbebenta ng Divisoria Public Market na hindi kaagad naiparating sa kaalaman ng mga manininda.