Advertisers

Advertisers

USURPER AT PEKENG MEDIA NA TOMOLONGGES SA MARAMING OPISYAL NG PNP

0 551

Advertisers

Sino itong pekeng media na tumotolonges sa kapulisan natin sa lalawigan ng Pangasinan?

Pangtotolonges lamang talaga ang pakay ng kupal na ito sa ating mga kapulisan, bakit kanyo?

Media or brodkaster ang kupal kung magpakilala sa mga binibisita nitong presinto hawak-hawak o bitbit ang peke nitong ID na hindi mo malaman kung saan nanggaling.



Ang estilo ng kupal para makuha nya ang loob ng hepe ng kapulisan ay pinapabati nya ito sa mga lehitimong media sa broadcast maging minsan sa mga dyarista lalo na sa mga weekly newspapers.

Kung hindi nya makuha sa ganitong estilo ang loob ng kapulisan, gagamitan nya naman ito ng ibang teknik, gaya ng ipapatira nya ang nasabing opisyal sa radio o dyaryo.



Tsk… Tsk… Tsk…

Sanggaang-diin ang animal!



Matindi talaga ang gago. isipin mo magbibigay ng impormasyon na maaaring ikainit ng ulo ng hepe, halimbawa na dito ang mga puwesto ng iligal na pasugalan, drug dens etc.

Sabay siya na umano ang mamamagitan para lamang hindi na uminit umano sa puwesto ang isang opisyal.

Eh di wow!

Naging instant hero na ang kupal na sya naman talaga ang may gawa at pakana.

Ugali din kasi ng media kuno na ito ang mag name drop, halos lahat na yata ng kilalang matitikas na pulis o pulitiko naging kamag anak, kumpare at kaibigan na nito sa kuwento ng tarantado.

Matulis ang nguso, este matamis ang dila nito na animoy kamag anak at sanggang dikit nito ang mga binanggit na opisyal.

Kaya ang ating mga kapulisan ay natotolonges at napapaikot ng ulol at kupal na ito.

Mukhang kahit saan dokumento ay pipirma ang hindot na ito para lang mapatunayan na isa siyang legit na media or brodkaster gaya ng pagpapakilala nya.

Kaya panawagan natin sa PNP Region 1, baka may makasalamuha kayo na gaya ng ungas na ito na binabanggit natin ang modus at diskarte, beware na agad kayo at iwasan na lamang po ninyo dahil baka kung di kayo matolonges nito eh magamit ang pangalan nyo sa katarantaduhan.

‘Yan po ang bukod tanging source of livelihood ng tarantadong kupal, ang magpaikot at tomolongges ng mga opisyal ng PNP mula chief of police hanggang mga provincial director at iba pang hepe ng iba’t ibang PNP units/commands.

Maging sa mga live streaming, nagpapabati ‘yan at magbibigay ng impormasyon, may time din na sumasama ‘yan sa mga nakakapalagayan nya na ng loob na legit media at magpa pa-picture din sa ilang mga opisyal ng pulis at pulitiko at ibabandera nyang kamag anak o kumpare at kaibigan nya ang mga ito.

Dakilang manggagamit (USER) talaga!

Beware sa USURPER na ito!

****

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com