Advertisers

Advertisers

EXECUTIVE ORDER NO.1 AT NO.2

0 337

Advertisers

NAGPAKITANG gilas agad ang bagong Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) at ipinamalas ang kanyang galing sa pagsusuri sa kanyang kapaligiran, nang ilabas niya ang kauna-unahan niyang mga kautusan nitong nakaraang linggo.

Ang Executive Order (E.O.) No.1 na nagbubuwag sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) pati na ang Office of the Cabinet Secretary. At ang Executive Order No. 2 na ibinabalik ang tanggapang Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa Office of the Press Secretary.

Siyempre di basta basta na lamang ipinag-utos na lang ito ni PBMM. Ibinigay din niya ang mga kadahilan nang walang sinisi sinoman.



Aniya ang E.O.No.1 ay kinakailangan, para mabawasan ang pagkakadoble-doble ng mga gawain at gastusin sa pagme-maintain ng mga opisinang ito, ganung may kahawig ding galaw ang iba pang opisina sa Palasyo ng Malacañang.

Para kay PBBM ang gawain ng PACC ay kaya na rin gawin ng Office of the Deputy Executive Secretary for Legal Affairs.



Ang opisina naman at galaw ng Cabinet Secretariat, para alalayan ang Pangulo sa mga pagpupulong ng Gabinete ay kaya na ring gawin ng Presidential Management Staff.

Kasama sa kautusang ito, na ang Presidential Adviser on Military and Police Affairs ay isasailalim na sa Office of the Special Assistant to the President, sa pamumuno ni dating Davao del Norte congressman Antonio Lagdameo Jr.



Sa kanyang E.O. No.2 naman na naglilipat ng PCOO sa Office of Press Secretary ay pag-aayos din lamang ang dahilan ng magkakaparehong galaw o tungkulin.

Ito ay magbibigay daan din na wala nang gagalaw bilang Office of the Presidential Spokesperson dahil di na magtatalaga si PBBM ng opisyal na taga-pagsalita. Di lamang para makatipid, kung di, ang gawaing iyon, para kay PBBM, ay kayang-kaya na rin ng Office of the Press Secretary, na pinamumunuan na ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.

Nais din ng bagong Pangulo na palakasin ang Philippine Information Agency (PIA) na direktang pamahalaan ng Office of the President.

Lahat naman ng kawani na maaapektuhan ng pagbabago ay makakatanggap ng mga naaayong benepisyo, at inatasan na ni PBBM ang Department of Budget and Management na maglaan ng pondo para sa game changer na galaw na ito ng bagong nating Pangulo.