Advertisers
NAGA CITY- Nadismaya ang isang ginang sa pampublikong ospital na makalipas ang apat na buwan nang manganak natuklasan nitong na kaya hindi pa siya lubusang gumagaling dahil naiwan sa kanyang tiyan ang gasa (medical gauze), na matagal nitong inakala na may bukol ito sa katawan sa Naga City.
Ayon kay Rose Mendez-Pancho, pinatinggan niya na sa isang opsital sa Partido Area ang kaniyang kalagayan noon pero hindi na detect at nito nagdaang araw ang kaniyang asawa ang nakatanggal ng naturang gasa nang makita ang para bang tela nang magpapalagay sana siya ng gamot. Hindi na ikinuwento ang lahat dahil sa sensitibong detalye.
Nagpasya si Pancho na magpa-check up upang matiyak na wala nang natira sa kaniyang tiyan.
Napag-alaman na first time mommy si Mendez.
Ayon sa Bicol Medical Center na naipaabot na sa Department of Obstetrics ang insidente at gumugulong na ang imbestigasyon. At sa oras na makumpleto, agad namang magbibigay ng pahayag.