Advertisers

Advertisers

Ex-PDEA official itinalaga ni PBBM bilang BOC chief

0 238

Advertisers

INI-APPOINT ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang kontrobersyal na dating regional director ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na si Yogi Filemon Ruiz bilang acting commissioner ng Bureau of Customs (BOC).

Kinumpirma ito ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles nitong Huwebes.

Nanumpa na rin si Ruiz sa kanyang tungkulin noong Martes, ayon kay Angeles.



Si Ruiz ay dating nakatalagang director ng PDEA sa Region 7 at naging kontrobersyal nang paghubarin ang lahat ng preso ng Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center sa ikinasang anti-drug operation noong Marso 2017.

Nasamsam sa naturang operasyon ang iligal na droga at iba’t ibang uri ng patalim.