Advertisers

Advertisers

Tech, shoe, at coffeeshop tycoon wanted sa drug smuggling

0 318

Advertisers

Tinutugis ngayon ang Pilipinong negosyante sa likod ng kontrobersyal media platform na Lyka Philippines at Filipino shoe brand na World Balance nang ipag-utos ng Manila Regional Trial Court ang pag-aresto sa kanya dahil sa kanyang pagkakasangkot sa tangkang pagpupuslit ng P1.87B halaga ng methamphetamine hydrochloride o shabu sa Manila International Container Port.

Ang may-ari ng Lyka Philippine na si Bernard Lu Chong, na may huling address sa Libis, Quezon City, sumailalim sa warrant of arrest na inisyu noong Hunyo 2, 2021, ni Manila Regional Trial Court Branch 13 Judge Emilio Legaspi III mula sa Manila RTC Branch 35.

Muling na-raffle ang kaso sa sala ni Manila RTC Branch 53 Judge Reynaldo Alhambra.



Naghain ang abogado ni Lu Chong ng dalawang motion for consideration na may petsang September 25, 2021 at December 22, 2021 na kinukwestyon ang ikinaso ni Judge Legaspi nguni’t na-deny noong April 29 ni Judge Alhambra upang pagtibayin ang kanyang koneksyon sa tangkang pagpuslit ng shabu na nabigo ng mga awtoridad na nagpapatupad ng batas.

Sinabi ni Judge Alhambra sa kanyang dalawang pahinang resolusyon na “Court finds no compelling reason to differ from the order dated September 13, 2021, issued by Hon. Judge Emilio Rodolfo Legaspi III. Presiding Judge of Regional Trial Court of Manila, finding probable cause as there is sufficient evidence to show that a crime has been committed and that the accused is probably guilty thereof.”



Sinabi ni National Bureau of Investigation-International Operations Division Chief Joey Moran na nakabantay ngayon ang bureau kay Lu Chung habang umaapela ito sa kanyang agarang pagsuko sa anumang enforcement unit upang maipagtanggol niya ang kanyang sarili sa korte.

Si Lu Chong, na may-ari ng E-Sports outfit Bren E-Sports, isang digital firm na tinawag na Synergy88, at siyang may-ari ng prangkisa sa bansa ng Tim Horton’s coffee shop chain, kabilang sa 12 indibidwal na kinasuhan noong 2019 para sa paglabag ng section 4,article 2 ng Republic Act 9165 na binago ng RA 10640 (Importation of Dangerous Drugs), isang unbailable offense.



Kinasuhan din ang Chinese national na sina Xu Zhi Jian alias Jacky Co, Fe Tamayosa , Alvin Bautista, Jane Abello Castillo, Carlo Dale Sueta, Abraham Torrecampo, Arwin Jay Caparros, Leonard Sucaldito, Mark Leo Magpayo, Brian Pabilona and Francis C.K. Young.

Ayon kay Moran, nilagyan ang NBI ng warrant na inilabas laban kay Lu Chung dahil sa kadalubhasaan ng bureau sa pagsubaybay sa mga pugante at sa napakalaking international law enforcement network.

“Drug smuggling is a very serious case and is an unbailable offense. The NBI is mandated to track down and arrest fugitives regardless of their status. As long as you have a warrant of arrest, you become a subject of a manhunt. However, Mr. Lu Chung can spare everyone the trouble if he surrenders and face the charges against him,” sabi ni Moran.

Si Lu Chong ang tinukoy bilang isa sa mga sangkot sa tangkang pagpuslit ng 276.344 kilo ng shabu na nasamsam noong May 31, 2019, ng pinagsanib na puwersa PDEA, Bureau of Customs, Philippine Coast Guard sa Manila International Container Port – Container Freight Station 3 (MICP-CFS3), Manila. Itinago sa plastic resins ang illegal na droga upang maiwasan ang detection.

Ang akusasyon kay Lu Chong matapos siyang pangalanan bilang isa sa may-ari ng Fortuneyield Cargo Services Corporation, ang kumpanyang nakatalagang consignee ng illegal drug shipment.

Sa pitong pahinang resolusyo na inisyu ng Task Force Anti-Organized Crime Division ng Department of Justice sa pamumuno ni Senior Deputy State Prosecutor Theodore Villanueva, ang nagdeklara ng probable cause para magsampa ng drug smuggling laban kay Lu Chong dahil sa kanyang tungkulin bilang general manager ng Fortuneyield.

“It is a different situation for Bernard Lu Chong who is the general manager in charge of over all operation. The evidence shows that Fortuneyield paid P20,000 as container deposit and P76,807.50 for freight to SITC. IT would be impossible for these payments of significant amounts to be made without the general manager’s knowledge and acquiescence,” saad sa DOJ resolution .

Bago ang pagkakasamsam sa illegal na droga, pinangalanan din ng BOC si Lu Chong bilang isa sa mga sangkot sa smuggling ng 105 container na nagkakahalaga ng P69,675,171 at kinasuhan ng paaglabag sa Sections 1401 at 1424 ng Republic Act No. 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act of 2016.