Advertisers
Umuwi na ng bansa ang Pinoy boxer na si Dave Apolinario matapos makuha ang world title sa IBO world flyweight crown boxing noong Sabado ng gabi sa East London, South Africa.
Tinalo ni Apolinario, na tinaguriang “Doberman” ang dating 3-division world champion na si Gideon Buthelezi na napatumba nito sa pamamagitan ng knockout sa first round ng naturang boxing fight.
Si Buthelezi ay na-knockout sa pamamagitan ng isang left straight-right hook combo. Nang matumba ay sinubukan nitong bumangon subalit natapos na ang 10-count ng referee ay hindi pa rin niya nagawang bumangon.
Dahil diyan ay idineklarang winner by knockout si Apolinario, na sa ngayon ay wala pa ring tumatalo. (JERRY S. TAN / JOJO SADIWA)