Advertisers

Advertisers

Baby iniwan sa damuhan, nilanggam, nilangaw at inuod

0 208

Advertisers

ISANG bagong silang na sanggol na inabandona sa ilalim ng puno na nilalangaw, nilalanggam at may mga uod ang natagpuan sa Eastern Samar.

Dinala ang sanggol sa Eastern Visayas Regional Medical Center sa Tacloban City kungsaan ito inoobserbahan dahil sa mga infection sa kagat ng langgam, langaw at uod.

Sa ulat, nakita ang sanggol ng batang nagpapastol ng hayop sa damuhan sa ilalim ng puno noong Agosto 5 sa Barangay Palanas, bayan ng Salcedo.



Ayon kay Police Corporal Cyril Joyce Bardinas ng Salcedo Municipal Police Station, umiiyak ang sanggol kaya siya nakita ng taong napadaan sa lugar.

Nakabalot ng tarpaulin ang sanggol.

“May uod na ang bata, inuod na. Saka madaming langaw, saka langgam,” sabi ni Bardinas.

Habang isinusugod nila papuntang ospital ang sanggol, pinadede pa mismo ni Bardinas ang bata.

Hindi pa masabi ni Bardinas kung maganda na ang kalagayan ngayon ng sanggol.



“Under observation pa siya. Tapos madami pang inaano…kasi may mga uod pa at saka may pneumonia na siya,” anang opisyal.

Hinihintay pa ang ilang medical test para alamin kung may iba pang sakit ang sanggol.

Patuloy din ang imbestigasyon ng pulisya para malaman kung sino ang magulang ng sanggol at sino ang nag-iwan sa kaniya sa damuhan.