Advertisers

Advertisers

64-anyos mom ginahasa ng anak na adik

0 461

Advertisers

IPINAKULONG ng 64-anyos na ina ang kanyang anak na 39-anyos nang gahasain siya nito sa Taguig City.
Itinago ang manyakis na anak sa pangalang Dick, electrician, taga-Brgy. Calzada Tipas ng nabanggit na lungsod.
Sa ulat, naganap ang panggagahasa sa pagitan ng ala-1:00 at 4:00 ng madaling araw ng Linggo (Setyembre 20, 2020) sa loob ng bahay ng mag-ina.
Ayon sa report, pinasok ng anak sa kuwarto ang natutulog na ina at sapilitang hinalay.
Agad inireklamo ng ina sa barangay ang sariling anak, at binitbit sa pulisya ng mga barangay tanod.
Ayon sa pulsiya, adik sa droga ang anak na posibleng dahil sa matinding tama sa utak kaya nagawa ang panghahalay sa sariling ina. (Gaynor Bonilla)