Advertisers
ARESTADO ang dalawang babae na distributor ng iligal na droga sa Metro Manila, Bulacan at Pampanga sa buy bust operation sa Sta Cruz, Manila, Linggo ng hapon.
Kinilala ang mga nadakip na sina Ainnah Salgan, 64 anyos, may asawa; at Norhanna Canapia, 19, kapwa taga-Barangay 648, C. Palanca Sr St., San Miguel, Manila.
Ayon kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, isinagawa ang buy bust ng mga elemento ng PDEA RO3 sa isang fast food chain sa Bustos, Sta. Cruz.
Nakuha sa dalawa ang5 knot-tied transparent plastic na naglalaman ng 500 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3,450,000.00; at marked money na ginamit ng poseur buyer.
Nasa kustodiya ng PDEA RO3 ang dalawang babae na sumasailalim sa imbestigasyon kung mula sa sindikatong nadakip sa Pozorrubio, Pangasinan na nakuhanan ng P2.5 billion halaga ng droga noong Aug. 12, 2022.(Mark Obleada/Jocelyn Domenden)