Advertisers
HUSTISYA ang isinisigaw ng mga kapwa siklista ng babaeng natagpuang bangkay, may mga sugat sa braso at mga pasa sa leeg sa madamong lugar sa Bustos, Bulacan.
Kinilala ang biktima na si Princess Marie Conde Dumantay, 15 anyos, Grade 9 student at residente ng 6A Tower Ville, Grace Ville, San Jose Del Monte.
Ayon sa report, natagpuan ang bangkay ng babae, nasa edad 15 hanggang 21 anyos, may taas na 5’2” hanggang 5’5”, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng puting t-shirt na may Chinese characters, itim na boxer short, puting medyas at Nike rubber shoes 9:00 ng umaga ng Agosto 12 sa Bypass Road Bonga Menor, Bustos.
Ang biktima ay nakitaan ng maliit na sugat sa kanang braso at mga pasa sa leeg.
Sa report ng pulisya, umaga ng Agosto 14 positibong kinilala ng ama na si Rolando Dumantay ang natagpuang bangkay na kanyang anak.
Nakatakdang sumalang sa autopsy ang biktima habang patuloy ang follow up operation ng pulisya para makilala at mahuli ang nasa likod ng krimen.