Advertisers
ARESTADO ang limang armadong indibiduwal nang mambasag ng salamin at mangulimbat ng gamit sa nakaparadang sasakyan sa bayan ng Bustos, Marso 29.
Kinilala ang mga naaresto na sina alyas “Ron”, 23 anyos; “Ard”, 33; “Ver”, 38; “Mark”, 33; at “RM”, 40, pawang residente ng Brgy. Cacarong Bata, Pand;i habang ang mga biktima ay sina alyas “Rom” at alyas “Ica” ng Brgy. San Pedro, Bustos.
Sa ulat ni Captain Heherson Zambale, hepe ng Bustos Police Sstation, nadiskubre ang insidente 10:20 ng gabi sa Purok 4, Brgy. San Pedro.
Batay sa salaysay ng saksi, papauwi na siya nang may napansing apat na lalaki ang nagmamadaling tumakas lulan ng dalawang itim na motorsiklo.
Nakita ng saksi na may bitbit na backpack ang isa rito, na pinaniniwalaang mula sa nakaparadang sasakyan na basag ang salamin.
Ipinaalam niya sa may-ari ang nakita, at nalaman na nawawala ang kanilang mga personal na gamit sa loob ng sasakyan.
Agad nilang inulat sa pulisya ang nangyari, at isa pang saksi ang lumutang 12:00 ng umaga, nagsabing nasundan niya ang mga lalaki na naninirahan sa Brgy. Cacarong Bata, Pandi.
Nagsagawa ng operasyon ang mga operatiba ng Bustos at Pandi Policekaya, natunton ang lugar 1:30 ng umaga at nakita ang mga motorsiklo at helmet na ginamit sa krimen.
Isa sa mga suspek ang nagtangka tumakas papasok sa isang bahay, naging dahilan para mahuli rin ang iba pang suspek na nagtatago rito.
Narekober mula sa mga suspek ang mga ninakaw na gamit kabilang ang black backpack, 2 gintong singsing, gintong relo at P320,000.00 cash. Nakuhanan din ang ga ito ng isang granada at isang kalibre .38 na baril. (Thony Arcenal)