Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
MABILIS na kumalat ang balitang nagkakaroon daw ng problema sa relasyon nina Nadine Lustre at ng kanyang French boyfriend na si Christoph Bariou.
Ito ay pagkatapos na mapansin ng mga marites na burado na ang mga litrato nilang magkasama sa Instagram account ni Nadine.
Sa IG ni Nadine, ang makikita na lang doon ay pawang solo photos ng Viva artist.
Dahil dito, may mga nag-oopinyong nag-break na raw ang magkasintahan.
Para raw inulit lang ni Nadine ang ginawa nito sa ex na si James Reid na binura na rin niya ang mga alaala sa kanyang Instagram account.
May mga nang-uurot tuloy na baka raw may third party involved sa hiwalayan ng dalawa.
May matataba naman ang imahinasyon na hindi raw kaya promo ito sa kanyang upcoming movie na ‘Deleter’ kaya wala siyang ginawa kundi i-delete ang photos ng mga naging dyowa, sa kanyang social media account.
Kung totoo ito, paano na raw kaya ang pugad na ipinatatayo ni Nadine sa Siargao kung saan naka-base si Christopher.
Magkakaalaman din daw kung talagang babu na sila kung babatiin ni Nadine ang afam na boyfie nito sa birthday nito.