Advertisers

Advertisers

Cherryann Alix Solomon Paboritong Beauty Queen si Emma Tiglao

0 4

Advertisers

By ROMMEL PLACENTE

NU’NG una naming mapanood ang multi-awarded beauty queen at singer na si Cherryann Alix Solomon ay humanga na agad kami sa kanya.In fairness, ang ganda kasi ng boses niya, at performance level siya, huh!

Muli naming nakaharap si Cherryann nang mag-guest siya sa online show namin na Marisol Academy. Ayon sa kanya, hindi pala niya pinangarap noon na sumali sa mga beauty contest.

Sabi ni Cherryann.“Hindi po talaga ako sumasali. Actually, last year lang ako sumali. Parang go with the flow lang ako.Hindi ko alam. pati ako na-surprise, eh. Hindi ko rin iniisip na mananalo ako.

“Lagi kong iniisip is, umuwi ako na hindi ako nakakahiya.

“Parang ang iniisip ko is not ‘yung sarili kong kahihiyan. Baka ikahiya ako ng mga anak ko, kapag medyo mali-mali ‘yung ginawa ko sa stage, at kumalat on line.”.

“Baka hindi na nila ako papasukin sa bahay.”natatawang sabi pa niya.

‘“Honest naman po ako sa sarili ko na I don’t have the typical look of a normal beauty qeen kasi hindi po ako mataas, at medyo chubby-chubby ako nu’ng lumalaban ako. Pero ‘yun po, sinuwerte naman na maiuwi ko ‘yung title.”

“Tinitingnan pa rin po ‘yung physical pero medyo lumamang tayo sa talent,”aniya pa’

Ang talent na ipinanglalaban ni Cherry ann ay ang singing. At dahil nga sa husay niya sa pagkanta, kaya siya lagi ang nananalo bilang Mrs. Talent.

Kamusta ang experience sa pagsali sa mga beauty contest?

“Sa akin po, na-enjoy ko siya. Kaya hanggang ngayon, nandito pa rin ako na sumasali sa mga beauty contest.

“Etong huling nakuha ko, nitong last May,is Mrs. Philippines International Ambassaador.

“And I think po, kaya ako na-award-an as ambassador, kasi meron na rin akong naitanim na maganda. Meron akong magandang ipinakita towards sa ibang mga queens. So ‘yun po.

“Hopefully magtuloy-tuloy. Sana wala tayong maging problema along the way,”

Sa tanong kung sino ang paboritong beauty queen ni Cherryann, ang sagot niya ay paiba-iba ang paborito niya. Pero sa ngayon daw ay si Emma Tiglao, ang tinanghal na Miss Grand International 2026.

“Kasi ano lang siya, eh, cute lang siya. Lagi lang siyang tawa ng-tawa. Parang hindi mo kailangang maging very perfect para manalo. It’s the attitude.

“Actually, nu’ng lumalaban siya para sa Mss Grand, ‘yun din ‘yung time na lumalaban ako. Pinapanood ko ‘yung mga reels niya,”kwento pa ni Cherryann

Ang ilan pa sa mga nakuhang title ni Cherryann bilang beauty queen ay Mrs Phil. Planet 2025, Mrs. Planet Asia 2025, Mrs. Phil. Queen 2025,at Mrs. Queen of the Year 2026.,“