Advertisers

Advertisers

“POP ROCK DIVA” Rozz Daniels, Hahataw Rin Ng Sayaw Sa MUSIC BOX Concert Tonight; Pamangking Bagets Na Si Shiharu Saito Makakasama Sa Dance Number

0 5

Advertisers

By Peter S. Ledesma



Nagmistulang Reunion na naman ang bakasyon ng pamilya at kamag-anak ni Rozz Daniels, sa Nuvali Mini mansion nila ng american husband na si Sir David Daniels.

Yes, ganyan kamahal ni Rozz ang kanyang Torregosa family at welcome din lagi ang mga ito kay Sir David. Aside sa Karaoke bonding ng lahat ay todo swimming rin ang pamilya ni Rozz sa Olympic pool sa kanilang sosyaling subdivision. At sumalang rin sa practice ang mga pamangkin ni Rozz, na kanyang isasama sa Concert ngayong gabi July 15, 8:00 PM sa New Music Box Comedy Bar, at sa kanyang mga upcoming projects. Aside sa 15 songs na kakantahin ni Rozz including his 2026 version of Bulong Ng Damdamin ay sing and dance rin ang Pop Rock Diva of the Philippines ng Sasakyan Kita at isa sa kanyang back-up dancer ay ang gwapong nephew na si Shiharu Saito. Yes tulad ni Monica T. Santos na niece ni Rozz, na lagi niyang ka-collab sa sayaw sa kanyang mga concert .Sinisimulan na rin ni Rozz, na i-itrain itong si Shiharu. Nakitaan kasi siya ng potential ni Rozz so kapag mahasa lang nang mabuti ay pwede ng maging dancer or model at actor in the future itong si Shiharu. At singer just like his Artist aunt Rozz. Tiyak aside kay Rozz lahat ng mga Otis Paco, Manila ay susuporta rin sa poging bagets. So catch him at Meet The Stars Concert. Pinaghahandaan na rin pala ni Rozz ang nalalapit na recording ng another revival niya ng “Joke Lang” na likha pa rin ng kanyang composer at friend na si Doc Mon Del Rosario.



***

Going back to Shiharu, aside from being handsome, he is tall and has great skin. He is in college now at kumukuha ng kusrong gusto niya. Yes obvious na he has a japanese and pinoy blood. Pero mas gusto ni Shiharu ang culture dito sa Pinas. Although may pagka shy type ay mukhang naeenjoy na rin ni Shiharu ang ginagawa nilang rehearsal ng kanyang Tita Rozz, kasama ng iba pang relatives, in preparation sa Meet The Stars Concert kung saan back-up Dancers nga sila rito ni Rozz. Exciting itong panoorin na isang pamilya ang mapapanood mong magpe-perform. And Shiharu is in good hands at ang kanyang Tita Rozz ang naga-guide sa kanya at magiging adviser niya sakaling mag-decide siya na pasukin ang showbiz.