Advertisers

Advertisers

Kyline pahinga muna ang lovelife

0 3

Advertisers

By ARCHIE LIAO

Sa isang panayam , inamin ni Kyline Alcantara na naging dyowa niya si Miguel Tanfelix noong around 15 or 16 years old pa lamang siya.

Gayunpaman, wala raw naman siyang naging isyu sa Kapuso actor dahil naging maganda raw naman ang kanilang naging hiwalayan.

Katunayan, okey daw naman ang relasyon niya kay Miguel at sa dyowa nitong si Ysabel Ortega sa kasalukuyan.

Sa kaso naman ni Bianca Umali na minsan ding na-link kay Miguel, aminado naman siyang minsan ay nagkaroon sila ng isyu in the past.

Marahil daw ay apektado lang sila ng ingay sa kapaligiran kaya sila naging awkward sa isa’t-isa.

Pero, naayos na raw nila kung anuman ang gusot na namamagitan sa kanila lalo pa’t nakapag-usap na sila.

Inabswelto rin niya si Miguel sa naging feud nila ni Bianca.

Masaya rin siya dahil nakaka-bonding na niya si Bianca at maging ang nobyo nitong si Ruru Madrid.

Sa nasabing panayam, hindi rin niya ikinaila na nabiktima na rin siya ng online scam.

Hindi man malaking pera ang nabudol sa kanya, nagsilbing leksyon daw naman ang kanyang naging karanasan para maging maingat siya sa mga taong ka-transaksyon.

Sa kasalukuyan, single raw si Kyline.

Marami na rin daw siyang natutunan pagdating sa pag-ibig.

Isa na raw dito ay ang huwag magmadali dahil naniniwala siyang darating din ang lalakeng nakalaan sa kanya kahit hindi niya hinahanap.

Mensahe pa niya sa future dyowa, matuto raw sana itong maghintay.

Sina Miguel at Kyline ay magkasama sa seryeng “Taskforce Firewall” kung saan pareho silang sumasabak sa mga maaaksyong eksena.