Advertisers
NAGBIGAY ng inspirational message si dating Director IV Malacanang Gerardo ‘Jerry’ Carual matapos na matanggap ang parangal bilang Doctor of Philosophy in Disaster Management and Humanitarian Assistance na ibinigay ng BEST International sa pakikipagtulungan sa Cambridge Training College
Britain London, sa Makati City noong Agosto 28,2022. Si Carual na siyang founding President ng Search and Rescue Unit Foundation (SARUF) ay dati ng ginawaran ng National Capital Region (NCR) ng Outstanding Volunteer award, tatlong bronze medals para sa panganib ng buhay sa panahon ng kalamidad, at non-commissioned officer ng Philippine Army na iginawad ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. HIndi rin matatawaran ang mga naiambag ni Carual sa mga pagtuturo sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at private sectors ukol sa ‘Emergency Response’ sakaling dumating ang hindi inaasahang kalamidad sa bansa.