Advertisers

Advertisers

‘National Press Freedom Day’, ipinagdiwang

0 271

Advertisers

Pinangunahan ng National Press Club (NPC) ang pagpapasinayan sa Busto ni Gat Marcelo Hilario del Pilar kasabay ng unang pagdiriwang ng Pambansang Araw ng Malayang Pamamahayag (National Press Freedom Day) nitong Agosto 30, 2022.

Ito ay bilang simbolikong pagdakila sa buhay ng Pambansang Bayani at Ama ng Makabayan at Responsableng Pamamahayag sa Pilipinas.

Ang pagdiriwang na ito, bilang pagsunod din sa isinasaad ng RA 11699 na nagtatakda sa Agosto 30 ng bawat taon bilang Pambansang Araw ng Malayang Pamamahayag na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Abril 13, 2022.



Sa ipinabatid na mensahe ni Robin Padilla na Panauhing Pandangal, Tagapangulo, Senate Committee on Public Information and Mass Media ng kanyang kinatawan na si Rey Pangit, na ang pagpapasinayan ng Busto ng bisang rebolusyunaryong umukit ng napakahalagang ambag sa ating kasaysayan na si Gat Marcelo del Pilar.

Ayon pa sa Senador, ang hindi matatawarang kontribusyon ni Marcelo bilang isang dalubhasa, propagandista ang naging tulay upang mamulat ang ating kababayan laban sa pagmamalupit at pang-aabuso na siyang naging daan para sa magkasama at mag-aklas laban sa mga dayuhang mananakop.



Bilang tagapangulo ng committee on public information at mass media, tiniyak ng Senador na itutulak niya sa batas ang mga isyu at adbokasiya na sumasaklaw sa public information, mass communication at broadcast services lalo na sa panahon ito kaalinsabay sa pagpapatibay sa paglaban sa maling impormasyon.

Sinabi naman ni NPC President Lydia Bueno na ang tema ng pagdiriwang ngayon “Gat. Marcelo H. del Pilar: Dangal ng bansa, Inspirasyon ng Mamamayan.” Kung saan kasabay ng pagtatayo ng Busto sa bakuran ng NPC ang pagdiriwang naman ng ika-172 kaarawan ng bayani.



Sinabi pa ni Bueno na hindi lamang ito simpleng selebrasyon dahil taon-taon na ito gagawin at bilang pagkilala sa kanyang mga dakilang kontribusyon sa pamamahayag, naglagay ng panghabambuhay na pagkilala sa kanyang naging ambag sa larangan ng pamamahayag.

Dagdag naman ni NPC Sec. Paul Gutierrez, na ang mandato ng naturang batas na tuwing Agosto 30, gagawa ang national at local government ng programa na nakatuon sa kahalagahan ng media, ambag at kontribusyon ni Del Pilar.

Katuwang ng NPC sa pagdiriwang ng mahalagang araw na ito ang Presidential Task Force on Media Security, Office of the President, Office of the Vice President, Department of Education, Commission on Higher Education, Komisyon sa Wikang Filipino, Technical Education, Skills and Development Authority, Manila City Hall Chief of Staff Josue Santiago at spokesperson Atty. Princess Abante gayundin ang iba’t-ibang samahan ng mga mamahayag sa bansa.(Jocelyn Domenden)