Advertisers

Advertisers

4 patay sa tumaob na bangka

0 275

Advertisers

Patay ang apat katao kabilang ang dalawang menor-de-edad nang tumaob ang sinasakyang bangka at malunod sa Kabilang-Bilangan reef sa Brgy. Sicaba, Cadiz City, nitong Linggo.

Kinilala ang mga biktima na sina Marlyn Aguirre, 33; Remymar Ocon, 31; at dalawang menor-de-edad na 13 at 15 anyos.

Ayon kay Police Lt. Col. Gil John Despi, city police chief, sakay ang mga biktima ng pump boat nang mahulog ang 15 anyos na anak ni Aguirre dahil sa malakas na alon.



Tinangkang iligtas ni Aguirre ang anak subali’t pareho na silang tinangay ng alon at lamunin ng dagat.

Dito tumulong na sumaklolo si Ocon at ang 13 anyos na biktima subali’t tumaob ang bangka hanggang sa tinangay na rin ng dagat.



Nabatid kay Chief Petty Officer Joel Taganile, hepe PCG-Cadiz Sub-station, hindi overloaded ang pumpboat.

Ang pagtaob ng pumboat, bunsod umano ng malalaki at malalakas na alon.



Nakikipag-ugnayan na rin ang pulisya sa barangay upang ipagbawal ang pagpapasakay sa mga maliliit na bangka sa naturang lugar.