Advertisers

Advertisers

PIYESTA ULI ANG MGA PESTE, ATTN. DILG!

0 206

Advertisers

TIYAK na tuwang -tuwa ngayon ang mga sektor na nagkukunwang adbokasiya ay karapatang pantao at ang mga epalitikong mas concern pa sa mga kapakanan ng mga kriminal keysa kaligtasan ng taumbayan.

Nang walisin ni dating pangulong Digong at itimo ang takot sa mga kriminal na salot sa ating lipunan ay nagkaroon ng katiwasayan at katahimikan sa ating bansa partikular sa Kamaynilaan at na-eradicate ang bigtime maging ismoltaym na kriminal sa bayan ni Juan.

Ang isang magulang ay pumanatag ang loob kapag nasa labas ,nag-aaral o nagtatrabaho ang kanilang mga anak.



Kahit sumakay ng pampublikong sasakayan ay hindi na delikado ang kanilang buhay at safe ang mga gamit kahit pa sa madilim na parte magdaan ay walang adik na kriminal na paperwisyo sa mga inosenteng mamamayan.

Lahat kasi ng mga main thoroughfares at mga iskinita ay may police visibility at tunay na tumutupad sa utos ng commander-in-chief na klaruhin at itaboy ang mga masasamang peste sa ating pamayanan.



Ang siste dito ay ang pangulo pa ang binabanatan ng mga mga salot na epalitikong binabansagan pang berdugo ang pangulo dahil sa nawawalis na kriminal at mga sugapa sa droga na ugat ng pagiging demonyo ng mga walang kaluluwa.

Dehins naman sila bokiki sa mga biktima ng mga peste at walang kondemnasyon mula sa mga yumanraytgrup kuno.



Ngayon sa bagong administrasyon ni PBBM,ang taas ng ekspektasyon ng bayan sa kabuhayan partikular sa peace and order.

Pero mukhang naghahamon ang mga kriminal sa liderato ngayon dahil naglipana na naman ang mga buwitre sa kalye at mga hayop sa damo.

Magmula sa mga batang kalye na potensyal na kriminal, isnatser, holdaper, kidnapper, hanggang sa mga bigtime nang salot at terorista ay piyesta na naman sila kaya biglang bumalik ang kultura ng takot at perwisyo sa mga peace loving citizenry.

Sabi ng mga pinuno ng ating Kapulisan, wala pa daw wave ng kriminalidad at isolated lng ang mga narereport na masamang gawa ng mga alagad ni ‘taning.

‘Di naman kasi sila ang nasa ground kaya hindi nila ramdam ang paglilipana nang panganib sa pamayanan na siya namang kinatutuwa ng mga kalaban ng gobyerno para masabing di kaya mamuno ni Apo…paging DILG! Sampolan nyo na hangga’t maaga pa at stop na ang pamimiyesta ng mga peste… ABANGAN!