Advertisers
KATAWANIN ng Cool Smashers ang Pilipinas sa 2022 ASEAN Grand Prix, naka-iskedyul sa Setyembre 9 to-11 sa Nakhon Ratchasima,Thailand.
Kinumpirma nina Creamline head coach Sherwin Meneses at setter Jia Morado ang development Lunes, matapos ang kanilang final game sa AVC Cup for Women.
Ang Pilipinas ay nagtapos sixth place sa tournament matapos ang straight sets loss sa Chinese Taipei. Nag improved mula sa kanilang ninth place finish sa 2018 edition ng tournament.
“Yes, ‘yun ‘yung sabi ng management sa amin. Maglalaro kami sa Grand Prix. We have two day’s break, then balik na kami sa ensayo,” Wika ni Meneses. “Hopefully, madala namin ‘yung exposure dito going to Thailand.”
Mas maganda sana kung ang Creamline ay bou ang roster ng players para sa Grand prix. Naglaro ang Cool Smashers na wala ang team captain Alyssa Valdez sa AVC Cup, dahil sa iniindang karamdaman.
“‘Di ko pa masyadong masagot, pero hopefully makabalik siya, fast ang recovery niya,” Sambit ni Meneses tungkol sa istado ni Valdez. “Siyempre, iba naman talaga ‘yung ‘pag may Alyssa ka sa team.”
Dahil wala si Valdez ay itatalaga ni Meneses si two-time Premier Volleyball League MVP Tots Carlos sa open hitter position habang ibibigay kay Michelle Gumabao ang utility spot.
Samantala, sinabi ni de Guzman na dadalhin nila ang lesson na kanilang natutunan sa AVC Cup for Women sa Grand Prix.
Ang ASEAN Grand Prix ay gaganapin sa Chatchai Hall of the Chaloem Phrakiat Stadium. Apat na team ang nagkumpirma ng kanilang pakikilahok: Pilipinas, Thailand, Indonesia at Vietnam.
Ang kumpetisyon ay unang inilunsad noong 2019, pero natigil dahil sa COVID-19 pandemic sa loob na dalawang taon.