Advertisers

Advertisers

Beauty nilantad ang sekreto sa masaya at matibay na buhay may-asawa

0 288

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

HABANG ang ibang artista ay namumroblema sa kawalan ng trabaho dahil sa pandemya na dulot ng COVID-19 ay hindi naman nababakante si Yasser Marta!
Mula Lunes hanggang Biyernes ng gabi ay napapanood siya sa What We Could Be kasama sina Ysabel Ortega at Miguel Tanfelix, at sa Linggo ay kasama naman siya sa first anniversary offering ng Regal Studio Presents na may pamagat na Win A Date kapareha si Althea Ablan.
Ikinatuwa ni Yasser ang collaboration ng GMA Network at Regal Entertainment sa Regal Studio Presents.
“Kasi lalo ngayon nung nagsimula yung pandemya nag-e-explore na tayo, nagkakaroon tayo ng mga collaboration with other team, kaya ayun, ang laking tulong din sa amin bilang mga aktor kasi mas lumalawak yung nakukuha naming knowledge sa lahat ng mga nakakasama namin lalo dito ang gagaling ng mga director,” pagtukoy ni Yasser sa Regal Studio Presents.
“Hindi lang siya pang-TV, para rin kaming gumagawa ng pelikula ganun yung dating kasi napakaganda, from the team, sa cast, sa production, sa staff, sa cinematography, sa kuwento, lalo na sa scriptwriter, ang gaganda ng kuwento.
“Kaya ayun kakaibang opportunity sa amin ito,” sinabi pa ni Yasser na isa rin sa mga talent ng Sparkle ng GMA.
***
KABALIGTARAN sa buhay ng karakter niyang si Cindy sa The Fake Life, masaya ang paglalarawan ni Beauty Gonzalez sa kanyang married life kasama ang asawa niyang si Norman Crisologo.
Sa ginanap na launch ng Beautéhaus ng BeautéDerm noong nakaraang linggo, tahimik ngunit tila proud na pinanonood ni Norman ang kanyang misis habang ipinakikilala siya bilang bagong celebrity endorser. Kaya naman hindi naiwasan ng entertainment media na tanungin si Beauty kung ano ang sikreto ng matibay na pagsasama nila ni Norman.
“That takes two to answer, that question,” natatawang sagot ng Kapuso actress sabay tingin sa kanyang mister.
Patuloy niya, “Well, siguro I had my husband at the right time. He had me at the right time also. And we just really clicked. Paano ko ba ie-explain?”
Dagdag pa ni Beauty, “Hindi kami nag-aaway, ha. Hindi pa kami nag-aaway to the point na nagwu-walk out or like iyakan or what. Puro tawanan lang. Hindi ko alam kung paano nangyari yun, pero sobrang swak na swak lang yung ugali naming dalawa.”
Nabanggit din ng aktres kung gaano kaimportante ang oras at respeto sa isang relasyon.
Paliwanag niya, “Importante talaga yung you have time for each other, no matter kung gaano man ka-busy ‘yung work mo. You have to have time, and you have to respect yourself, and you respect your husband. So, importante when you respect yourself, you respect people around you also. Kasi, ang daming temptation, ang daming mga bago ngayon, mga bagay-bagay. Pero ‘pag nirerespeto mo ang sarili mo, kahit sa kaibigan, kahit sa business, kahit sa marriage… matiwasay yung buhay mo.”
Maya-maya, ipinasa ni Beauty sa kanyang asawa ang tanong, “Ikaw, babe, what’s the secret of our marriage?”
Sagot ni Norman, “Good timing. And a lot of luck. You can work on it as much as you want, but you still need luck at the end of the day, di ‘ba? Suwerte lang. Suwerte ko, nakita ko siya!”
Sundot na biro naman ni Beauty, “Buti na lang, binili mo ‘yung magasin na nakita mo, ha?!”
Pagkatapos ang ikinuwento niya kung paano sila nagkakilala ng kanyang mister.
“Nakita niya kasi ako sa isang cover ng magasin, eh. And then, pinahanap niya ako. ‘Tapos, tumawag siya. Akala ko, nagbebenta ng insurance, kasi puro English. Ayun pala, ‘yun na ang magiging asawa ko!”
Magtatapos na ngayong linggo ang The Fake Life sa GMA at kaabang-abang ang mga pasabog na kaganapan.