Advertisers
DINAKIP ng mga tauhan ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) ang isang 23-taon gulang na graduating college marine student mula sa San Isidro, Laug, Mexico Pampanga na inireklamo ng kanyang dating kasintahan.
Ang lalaki ay naaresto sa entrapment operation sa loob ng Oro hotel Miyerkoles ng gabi ng Regional Anti-Cybercrime Unit (RACU 3) ng ACG sa pangunguna ni Police Major Evangeline M. Geminiano.
Ayon kay PNP ACG Spokesperson PLt. Michelle Sabino, nakipaghiwalay ang biktima sa “nobyo” dahil pakiramdam niya ay binabastos siya kapag pinapagawa siya ng “virtual sex” nito.
Base sa salaysay ng biktima, ipinapapasok sa kanyang ari ang mga bagay tulad ng toothbrush at suklay, habang pinapanood at nirerekord ng nobyo online.
Nagdesisyon ang biktima na magsumbong na sa ACG matapos siyang pagbantaan ng lalaki na ikalalat ang kanyang mga “virtual sex” videos kapag hindi makipagkita at makipagbalikan sa kanya.
Paalala ni PNP-ACG Director, Brigadier General Joel Doria, sa publiko, maging maingat sa pagpapadala ng mga maseselang litrato o video ng sarili online dahil maari itong magamit na pang-blackmail. – Mula sa Radyo Pilipinas