Advertisers

Advertisers

P1.3-B pinsala ni ‘Karding’ sa agrikultura

0 163

Advertisers

PUMALO na sa P1.29 billion ang pinsala na idinulot ng Typhoon Karding sa sektor ng agrikultura sa bansa.

Ayon sa Department of Agriculture-Disaster Risk Reduction and Management Office (DA-DRRMO), anim na rehiyon ang pangunahing apektado ng bagyong Karding sa Luzon.

Sa inilabas na statement ng DA ang damage at losses ay naiulat sa Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON at Bicol Region.



Apektado naman dito ang 82,158 farmers at fisherfolk.

Sa pagtaga ng DA, ang lugi ngayon ng mga magsasaka sa rice production ay nasa P959.8 million na sinundan ng high-value crops na nasa P271.4 million at corn production na nasa P40.5 million.

Naitala rin ang losses sa fisheries at livestock na nagkakahalaga ng P17 million at P0.56 million base sa pagkasunod.

Sa kasalukuyan, ang total volume loss ay aabot sa 72,231 metric tons (MT) mula sa 141,312 hectares ng agricultural areas.

Karamihan sa mga naapektuhan ay ang rice production.



Pero ayon sa DA, ang naturang mga figures ay nananatili pa ring subject sa validation at posibleng mabago base sa DA-DRRMO on-the-ground data.

Una rito, nangako na rin ang Agriculture department na magbibigay ang mga ito ng milyong halaga ng tulong gaya nang pamamahagi ng rice, corn at high-value crops seeds.

Kabilang sa cash aid ng DA ang P27.47 million na halaga ng rice seeds, P13.23 million na halaga ng corn seeds at P12.64 million na halaga ng assorted vegetable seeds maging ang P2.45 million na halaga ng animal heads, drugs, at biologics para sa livestock at poultry.

Nangako rin ang DA na mamamahagi ang mga ito ng fingerlings at fishing paraphernalia; loanable amounts na P25,000 sa ilalim ng Survival and Recovery Loan Program at activation ng P500-million Quick Response Fund.

Ang loanable amount ay puwedeng bayaran ng tatlong taon at mayroong zero interest.