Advertisers

Advertisers

PRE-PANDEMIC SYSTEM-WIDE CAPACITY, NAIBALIK NG 92 PORSIYENTO NG CEB

0 176

Advertisers

ANG Cebu Pacific (PSE:CEB), ang nangungunang airline ng Pilipinas ay naibalik ang 92% ng kanyang pre-pandemic system-wide capacity kasunod ng patuloy na pagtaas ng mga domestic at international na ruta nito, napag-alaman sa ulat kahapon.

Ang nasabing airline ay lumilipad ng average na 355 flights sa isag araw, na sumasaklaw sa 34 domestic at 19 na internasyonal na destinasyon. Katumbas ito ng humigit-kumulang 64,000 upuan na inaalok sa isang araw.

Sa ngayon, naibalik ng CEB ang higit a 100% ng kanyang pre-pandemic domestic capacity, na lumampas sa antas ng Disyembre 2019 ng airline.



Ang CEB ay nagpalipad ng 13.3 milyong pasahero mula Enero hanggang Nobyembre 2022, tumaas ng 493 porsiyento mula sa parehong panahon noong 2021, habang ang mga tao ay nagmamadaling bumalik sa paglalakbay kasunod ng pagtanggal ng mga paghihigpit sa COVID-19.

“ Our system-wide capacity is now approaching pre-pandemic levels. We’ve basically grown, in fact, much more than what we were doing pre-COVID in the domestic level. We are seeing green shoots of recovery. It is very encouraging to see more people confidently flying again,not just within the Philippines but even abroad.” Ayon kay Xander Lao, Chief Commercial Officer ng Cebu Pacific.



Para sa Disyembre ay pinalawak ng CEB ang kanyang international footprint dahil nagdagdag ito ng mas maraming flight sa Brunei, Jakarta,Seoul,Taipei at Hong KOng. (JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">