Advertisers
HOLIDAY SEASON na naman at halos lahat ay hindi magkandaugaga sa pamimili ng iba’t ibang kagamitan tulad ng mga damit.., na kung sapatos ang hanap na may kalidad at sa murang halaga lamang ang presyo ay pinakamainam nang sadyain ang MARIKINA CITY na tinaguriang SHOE CAPITAL CITY OF THE PHILIPPINES.
Kamakailan ay nag-COURTESY CALL ang PAMAMARISAN-RIZAL PRESS CORPS (na isa po akong opisyal dito) sa tanggapan ni MARIKINA CITY MAYOR MARCY TEODORO bilang bahagi sa progresibong ugnayan ng MEDIA at ng LOCAL GOVERNMENT OFFICIALS para sa mga kaganapan at impormasyong dapat maipabatid hindi lamang sa kanilang.mga kalungsod kundi sa buong sambayanan.
Isa sa naihayag ni MAYOR TEODORO ay ang pagpapasigla sa kanilang ekonomiya na ang lahat ng mga bagong magnenegosyo sa kanilang lungsod ay FREE TAX para sa unang taon ng kanilang.mga pagnenegosyo.
Ang naturang lungsod ay dumanas ng mga matitinding pagbaha nitong mga nagdaang taon ng mga kalamidad., kaya, ang kanilang pamahalaang lungsod ay bumili ng pang-dredging o pangsudsod sa mga tumabong lupa sa kanilang mga ilog.
Aniya.., 4 na pang-dredging ang kanilang binili para sa pamalagiang pangsudsod ng lupa sa ilalim ng mga ilog upang tuloy-tuloy ang agos ng tubig at hindi na basta magbabaha pa na isang kahalagahan nito ay hindi na gagastos ang kanilang CITY GOVERNMENT sa pagpapakontrata ng DREDGING.., dahil may sariling traktora na ang MARIKINA CITY GOVERNMENT at resulta nito ay malaki ang matitipid nila sa pondo ng kanilang Lungsod.
Kaya, mga ka-ARYA..,ngayong HOLIDAY SEASON lalo na yaong mga kalapit Lungsod o probinsiya ay pinakamainam na dayuhin at sa MARIKINA CITY na mamili hindi lamang ng mga sapatos kundi maging iba pang kagamitan na gawang NARIKINA… siguradong malaki ang matitipid ng mga mamimili kumpara sa presyo ng iba’t ibang bilihin sa METRO MANILA MALLS.
***
MGA TIWALI SA LTO BINALAAN NI ASEC TUGADE…
Ipinagdiinan ni LAND TRANSPORTATION OFFICE (LTO) CHIEF ASSISTANT SECRETARY JOSE ARTURO “JAY ART” TUGADE na tuloy-tuloy ang kanilang kampanya laban sa kurapsiyon at walang puwang sa kanilang ahensiya ang mga tiwaling empleyado.
Ang babala ay isinagawa makaraang isa sa kanilang mga.empleyado ay naaresto dahil sa pagiging “FIXER’ umano nito, na kung mayroon pang mga empleyadong mananatili sa mga katiwalian ay nabibilang naaniya ang kanilang mga araw.
“As I have said repeatedly, we will not stop until we have eliminated fixers, which is among the roots of corruption in the agency, at any of the LTO offices nationwide. Our objective is to finally get rid of them once and for all. These unscrupulous individuals have no place in an agency such as the LTO because they have given us a bad name for the longest time. Let this be a warning: their days are numbered,” pahayag ni LTO CHIEF TUGADE.
Ang pahayag na ito ng opisyal ay kasunod ng inihaing reklamo sa tanggapan ng LTO Region 6 kung saan isang tauhan ng LTO Guimbal Extension Office sa ILOILO ang umano’y nagsisilbing “fixer”. Lihim umano itong tumatanggap ng mga transaksyon ng ilang kliyente .., mula sa pagre-renew ng rehistro, pagpapa-lisensya, at maging ang pagbabayad ng multa kapalit ng pera.
Kasunod nito’y iniutos ni LTO REGION 6 DIRECTOR ERIC LENARD TABALDO ang isang entrapment operation na nagresulta ng pagkakadakip sa kawani ng LTO na sinasabing nahuli sa akto na tumanggap ng P6,000 mula sa poseur-client na magpapa-renew ng rehistro ng kanyang sasakyan.
“It’s sad that the suspect is almost at the twilight of her life with her age, but we have to enforce the law. That is our mandate. As I said, fixing and corruption has no place in the LTO anymore. Cleansing our ranks of corrupt employees is paramount because no one will trust the agency anymore if the cycle of corruption continues,” paggigiit ni TUGADE.
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 8851 para sa inyo pong mga panig.