Advertisers

Advertisers

Alex G. nagka-trauma sa sigaw ni Ms. D; Pag-uugnay kina Kathryn at Rambo, fake news!

0 198

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SA podcast ni Alex Gonzaga ay never daw nito makalilimutan ang pagsigaw at pagbulyaw sa kanya ng matandang artista.
As in till now ay talagang nagbabalik pa rin sa kanyang alaala ang pagsigaw na ‘yun ng nasabing artista.
Na-late daw kasi si Alex ng pagdating sa set. “At di naman nasabi ng staff na pumapasok ako.”
Kaya pagpasok sa set ay sinalubong daw ito ng sigaw at na-trauma raw si Alex noon na dala nito hanggang ngayon.
Bata pa lang naman si Alex noon, 20 or mag 21 at di pa sikat. Hindi naman tinukoy ng TV Host Actress Vlogger kung sino ba ang artistang matanda na tinutukoy ng sissy ni Toni Gonzaga.
Hula ng netizens ay si Dina Bonnevie ang tinutukoy ng TV Host Actress Vlogger, nagsama na kasi sa serye sina Ms. D at Alex.
Minsan na rin na-interview si Dina at sinabi nito ang dahilan ng kanyang pagka-irita sa isang youngstar na di nito pinangalanan na late na sa pagdating sa set tapos ay naka-pajama pa raw.
Aalis nga raw ng lunch at darating ng 3pm na eh halos lahat ng seniors nandoon.
Magsusumbong pa nga raw sa mommy niya at handa naman si Dina na harapin ang mag-showdown sila ng mommy ng young star.
Nagsama sa serye sina Dina at Alex na PS I Love You.
***
MISMONG si Daniel Padilla ay inihatid ang gf na si Kathryn Bernardo sa airport para sa pagpunta nito sa Bangkok, Thailand.
Kinilig ang fans na nakakita sa celebrity couple.
Nakatsinelas pa nga si Daniel nang ihatid si Kathryn.
Pero ang kaloka ay umandar na naman daw ang mga Maritess at ini- scoop si Kathryn at dyowa ni Maja Salvador na si Rambo Nunez.
Naispatan daw magkasama sa airport ang bf ni Maja at gf ni Daniel.
Sa pagkambiyo ng kampo ni Maja na di raw magkasama sina Rambo at Kathryn.
Nagkita lang daw sa airport at dahil magkakilala nagbatian at kuwentuhan at ganun lang.
Imposible naman daw ang iniisip ng mga Maritess dahil si Kathryn ay may Daniel na at si Rambo ay may Maja.
Maling akala naman ang iniisip ng mga Maritess na nilagyan na ng kulay ang pagkikita nina Kathryn at Rambo. Well, well, well…’Yun na!