Advertisers

Advertisers

Bea bagong Horror Queen; Jake game agad sa movie nang tawagan ni Direk Joel

0 234

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

UM-OO agad si Jake Cuenca sa alok sa kanya na gawin ang My Father, Myself.
“Oo! Sabi ko nga mabilis yung phone call, kasi nga sabi ko talagang ano eh, I really believe in destiny eh, I really believe that I was destined to do this.
“Nung tumatawag sa akin si direk Joel, hindi normal sa akin yun, na may makita ako sa may Joel Lamangan na tumatawag sa phone ko, pagkasagot ko ng phone ko five minutes talaga, sinabi sa akin ni direk Joel yung challenges, kung ano yung kailangang gawin, sinabi niya sa akin yung tema ng pelikula, then I said ‘Sige direk, game na ko diyan!’
“Wala pang script, then nung nakita ko yung script sobrang ganda nung script, at kaya naman yun din yung gusto kong klaruhin, siyempre hindi po siya yung typical na pelikula na pang-MMFF di ba, iyon naman po ‘yun.
“Pero ang totoo po niyan kaya siya nakapasok sa MMFF kasi napakaganda nung istorya, so sana po talaga sana makita ninyo, sana panoorin ng mga tao,” pahayag ni Jake.
Official entry sa Metro Manila Film Festival sa December 25 ang My Father, Myself na co-star ni Jake si Sean de Guzman.
Sa ilalim ng Mentorque Entertainment at 3:16 Media Network at sa panulat ni Quinn Carrillo, kasama ni Jake sa pelikula sina Dimples Romana, Tiffany Grey at Allan Paule.
***
SI Bea Alonzo na ba ang pinakabagong “Horror Queen”?
Masusubok ang kakayahan ni Bea na manakot sa isang special episode sa twentieth anniversary offering ng Magpakailanman sa darating na Sabado sa GMA.
Ito rin ang kanyang kauna-unahang pagganap sa award-winning anthology.
Gaganap si Bea sa kuwento ng isang babaeng dumaan sa ilang nakakikilabot at heartbreaking na mga karanasan.
“It’s not just a horror story, it’s also about losing a family member, it’s also about heartbreak that led to the horror part of the story. So hindi lang siya sigawan, hindi lang siya takutan, but also it’s very heartbreaking,” sabi ni Bea.
Ayon kay Bea, hindi madaling gampanan ang kanyang karakter dahil maraming intense at dramatic scenes.
“It talks about faith also, ‘yung kung paano natin mas mapananatiling matatag ‘yung pananampalataya natin nang sa gano’n hindi ito mangyari sa buhay natin. This is also what I want to share with the world,” sabi ni Bea.
Sa direksyon ni Jerry Lopez Sineneng ang special episode, na direktor din ni Bea sa Start Up PH.
Makakasama rin niya ang veteran actress na si Bing Pimentel at Marco Alcaraz.
Nagsisilbi rin itong mini-reunion nila nina Marco, matapos silang huling magkasama sa kauna-unahang teleserye ng aktor.
“Ito ‘yung time na naka-bond ko siya.
“Siyempre isang karangalan na si Bea, first MPK niya then ako ‘yung naka-partner niya. Blessing din to work with her again,” sabi naman ni Marco.
Mapapanood ngayong Sabado, Disyembre 10, @ 8:15 pm, hosted by Ms. Mel Tiangco, ang Magpakailanman.